top of page
Search
BULGAR

FIFA President Infantino, nagpositibo rin sa COVID-19

ni Gerard Peter - @Sports | October 31, 2020




Ibinunyag ng Football world governing body na nasapol ng mapanganib na novel coronavirus disease (Covid-19) si FIFA President Gianni Infantino upang maging panibagong biktima sa listahan ng mga kilalang personalidad sa mundo ng football.


Nakararanas ng katamtamang simtomas ang football chief at mananatiling nasa isolation sa loob ng 10 araw. “All people who came into contact with the FIFA President during the last few days have been informed accordingly and they are being requested to take the necessary steps,” pahayag ng FIFA sa statement. “FIFA sincerely wishes President Infantino a speedy recovery,” dagdag nito.


Huling nasaksihan ang paglabas ni Infantino sa publiko noong Compliance Summit ng FIFA na nagtapos nito lamang Oktubre 16, kung saan lahat ng mga dumalo ay kasama sa isang online video session.


Nagsimula muling tumaas ng doble ang mga kaso ng naoospital at mga nasasawi sa COVID-19 sa Switzerland-based na organisasyon sa buwan ng Oktubre.


Inaantay na lamang ang mga desisyon ng pamahalaan ng Switzerland sa mga bagong hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus, habang inaasahan itong ia-anunsyo sa anumang mga araw.


Nang dahil din sa naturang virus ay hindi nasaksihan ang paghaharap sa football field nila superstars Cristiano Ronaldo ng Portugal at Lionel Messi ng Argentina sa Champions League matapos sipain ang Juventus striker ng Covid-19 kasunod ng pagpopositibo ngayong pagbubukas ng buwan.



Napabilang din sa mga bagong kaso ng mapaminsalang Covid-19 si Brazilian legendary striker Ronaldinho nang magpositibo ito sa naturang sakit.


Ilang mga sikat na football players at stars na rin ang nabiktima ng COVID-19 ngayong taon sa Europa, kabilang na si Manchester United midfielder Paul Pogba ng France; Brazilian star Neymar at dalawa pang teammates sa French club na Paris St-Germain kasunod ng postseason vacation sa bansang Spain.


Nagpositibo rin ang dalawa pang manlalaro ng Peru national team na dahilan upang hindi makasali sa qualifying game laban sa Brazil nitong Martes ng gabi. Tinamaan din ang reigning champion ng England’s Premier League na Liverpool ng ilang positive cases ng COVID-19 sa mga manlalaro nito kabilang sina Thiago Alcantara at Sadio Mane’, habang false positiveang nangyari kay Xherdan Sagiri.

0 comments

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page