ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 16, 2024
Una palang ini-offer ang Feng Shui (FS) movie kay Judy Ann Santos na ipinalabas noong 2004. Pero, hindi raw kasi tinanggap ng kanyang late manager noon na si Tito Alfie Lorenzo (RIP).
Well, kay Kris Aquino napunta ang horror film which is nag-click at tinaguriang ‘Horror Queen’ ang Queen of All Media kung saan ang direktor ng FS ay si Chito Roño.
This time, muling gagawa ng horror movie si Juday, ang Espantaho, at excited na ang aktres.
Ang last horror film na ginawa ng Teleserye Queen ay ang T’yanak nu’ng 2014, the reboot of 1988 classic Tiyanak.
Nang i-offer daw sa kanya ni Direk Chito ang movie ay agad siyang nag-yes kahit hindi pa niya alam kung sino ang makakasama sa casting.
“‘Yung wala pang ano, walang, hindi… wala pang casting, wala pang lahat, sabi n’ya, ‘Okay ka?’ ‘Oo naman! Ikaw pa ba? Ituloy na natin ‘to.’ Kasi nga, ‘di kami natuloy sa Feng Shui,” pakli ni Judy Ann Santos sa isang panayam.
PINABINYAGAN na nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang kanilang anak na si Baby Maria nitong nakaraang Sabado kasabay ng birthday ng huli.
Star-studded ang binyag na pinangunahan nina Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.
Dumalo rin ang mga showbiz friends ni Maja na sina Darren Espanto, Maine Mendoza, MJ Lastimosa, Kakai Bautista atbp..
Very proud ang celebrity mom and dad dahil ang daming sumuporta kay Maria bilang Kristiyano. Si Dra. Aivee Teo ay isa sa mga nagbahagi ng mga kuhang larawan ni Baby Maria sa kanyang socmed (social media) account.
Pantanggal sa pagod niya…
ARJO, SARAP NA SARAP SA LUTO NI MAINE
ITINAOB ni QC 1st District Congressman Arjo Atayde ang apat na Asian actors sa ContentAsia Male Lead TV na ginanap sa Taipei kamakailan.
Ayon sa aktor-pulitiko, lima silang Asian actors na naglaban sa Male Lead category at siya ang pinalad na mag-uwi ng prestihiyosong award para sa seryeng Cattleya Killer (CK).
Sa panayam kay Congressman Arjo, pinasalamatan niya ang mga taong sumuporta sa kanya, tulad ng ABS-CBN, Nathan Studios, ang kanyang pamilya, lalo na ang misis niyang si Maine Mendoza.
Speaking of Maine, nagsalita na rin si Cong. Arjo hinggil sa kumakalat na balitang ‘hiwalay’ na umano silang mag-asawa.
Aniya, “Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita. We’re on a vacation sa Greece na halos matagal-tagal din kami ru’n. Kung saanman nanggagaling ang isyu na ‘yun, we really don’t know. Maine is a very supportive wife, napaka-hands-on n’ya to my showbiz and political career.”
Ang sagot niya sa tanong kung ipinagluluto ba siya ng kanyang asawa na si Maine, “Yeah, she’s a very caring, loving wife.”
Ano ang paborito niyang iniluluto ni Maine?
“She cooks pasta lalo na when I went home late na, and getting tired sa work, her best way to cook para mabilis ay pasta.
“Masarap s’yang gumawa ng pasta, yummy!”
Nagkakaroon din ba sila ng petty quarrels?
“Hindi naman nawawala sa mag-asawa ‘yun, natural lang but at the end of the day, okey na.”
Sa ngayon, marami pang nakabimbin na projects si Arjo. Nandiyan ang serye nila ni Judy Ann Santos, ang The Bagman. May movie pa sila ni Julia Montes, ang Topakk at another action movie na isang newbie actress ang kanyang kapareha, ang Moonglow.
Busy man si Arjo as an actor, hindi pa rin niya nakakalimutan ang pangako niya sa mga constituents. Patuloy pa rin daw siyang magseserbisyo sa kanyang mga nasasakupan hanggang kailangan siya ng mga tao.
Si Arjo ang unang Pilipino na pinarangalan ng pinakaprestihiyosong platform para sa creative excellence ng rehiyon sa Taipei.
Maliban sa kanyang thriving acting career, nagsisilbi rin si Arjo bilang representative ng Unang Distrito ng Quezon City simula noong 2022. His commitment to both his craft and public service showcases his multifaceted contributions to Philippine society.
Sa kanyang unwavering passion at dedication, patuloy na nai-inspire at ina-uplift ni Arjo ang Filipino film and television industry sa global stage.
Kung papipiliin daw siya kung career o pulitika, sagot niya, “Wala akong pipiliin kaya both. As an actor ang aking work since na nag-umpisa ako sa showbiz. Ang politics, hanggang kailangan ako ng mga tao, naririto pa rin ako.
“Time management lang at lahat ng ‘yan ay maia-apply nating mabuti.”
Sa pagkapanalo ni Arjo Atayde ay nagbigay siya ng thanksgiving party para sa press people kasabay na rin ang early pa-Christmas party dahil BER months na.
Comments