ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 4, 2023
KATANUNGAN
Ako ay isang guro sa public school at sa edad kong 39, napapansin kong hindi na ako bumabata, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-asawa, gayung may mga naging girlfriend naman ako noon.
Akala kasi nila ay may pagka-silahis ako kaya kahit tuksuhin ako ng mga kapwa ko guro na noon ay dalaga pa, wala pa ring nangyayari hanggang sa sila ay nakapag-asawa at nagkapamilya na habang ako ngayon ay naiwang binata.
Gusto ko nang mag-asawa, Maestro. May pag-asa pa kaya akong makapag-asawa? Sino at saan ko naman makikilala ang babaeng mapapangasawa ko?
KASAGUTAN
Wala namang kaugnayan ang pagiging bakla o silahis mo, kung sadyang may malinaw na guhit na pag-aasawa sa kaliwa at kanan mong palad. Sapagkat, marami rin namang mga guro sa iba’t ibang eskuwelahan na parang bading ang asta na nakakapag-asawa at nagkakaroon pa nga ng masayang pamilya.
Salamat na lang at kahit na medyo parang huli na ay may namataan pa ring malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na makakapag-asawa at magkakapamilya ka pa rin, kung saan, ang Life Line na hindi naman masyadong lumawak (L-L arrow b.) at Life Line na kasama ang Head Line (Drawing A. at B. L-L, H-H arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay tanda na malapit lang sa pinagtatrabahuhan mong iskul, at madalas mo ring makasalubong ang babaeng nakatakda mong mapangasawa at makasama habambuhay.
DAPAT GAWIN
Habang ayon sa iyong mga datos, Art, kinumpirma ng iyong Love Calendar, ang pag-aasawang nabanggit na ikakatuwa ng iyong mga kamag-anak na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2024, sa edad mong 42, makakapag-asawa ka na at habambuhay na magiging maligaya, hatid ng isang babaeng nagtataglay ng zodiac sign na Libra.
Comments