top of page
Search
BULGAR

Feeling insecure na... VICE, 'DI SANAY NA WALA NANG TUMATAWA SA MGA JOKES NIYA

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 14, 2021




Siya man ang pinakasikat among Pinoy celebs, dumarating din sa punto ng buhay ni Vice Ganda na nakakaramdam siya ng insecurities sa career, lalo na kapag ang napag-uusapan ay ang tungkol sa kanyang pagiging "unkabogable" sa showbiz.


Ngayong kasagsagan ng pandemic, napag-isip-isip din ng It's Showtime host kung siya pa rin ba'y tinitilian at natutuwa pa rin ba ang mga tao sa kanya.


“Meron akong gustong gawin, meron akong gustong ibigay. Tapos, ngayon, ang hirap. Hindi ko talaga alam kung nakakatawa pa ako o kung magaling pa ako kasi hindi ko naman naririnig kung may nagre-react. Wala namang audience,” aniya sa isang panayam sa kanya ni Ogie Diaz.


“Dati, lumabas pa lang ako, nagwawala na ‘yung audience. So, parang damang-dama mo ‘yung love, lalo kang gaganahan. ‘Ah, ito ‘yung mga nag-aabang sa akin. Patatawanin ko kayong lahat.’ Ngayon, wala nang ganu’n. Patatawanin mo, dingding,” biro pa niya.


Hindi makakalimutan ni Vice na minsa'y naging stand-up comedian ito sa mga comedy bars noong nagsisimula pa siyang hanapin ang kapalaran sa showbiz.


“Pero lagi, ang iniisip ko na lang din, ‘Huy, kabayo, ‘wag kang umarte. Ganyan ka rin naman dati. Nagsimula ka naman sa comedy bar na walang audience, pero bayad ka ng P250. So, kahit walang audience, kailangan mong magpatawa. Kaya ka nga nasanay nang ganyan, kaya ka nga na-train nang ganyan kasi nagpatawa ka na ang nanonood lang sa 'yo ay sulok, dingding.


“So, ‘yun na lang ang iniisip ko. Training ‘to. Magte-train ako na walang tao, walang tumatawa. Para ‘pag nagbukas na ulit, ‘pag may audience na ulit, mas bongga ‘yun. Kasi, kung dingding nga, kaya kong patawanin, mas kaya kong patawanin mo ‘yung mga totoong tao na may kaluluwa. Laban 'to,” pahayag ni Vice.


Sa parehong panayam sa kanya ng ex-manager na si Ogie, sinabi ng It's Showtime host na marunong siyang magtago ng kanyang nararamdaman dahil lagi niyang kasama ang kanyang mga supporters, ang kanyang mga suking nanonood sa kanyang bawat show, sa bawat concert at maging sa mga ginagawa niyang pelikula.


“Kasi nga, ‘yung trabaho ko is considering not just myself but considering a lot of people. ‘Di ba ‘yung magbabasa ka lang online, ‘Napapasaya mo ako lalo na ngayong pandemya. Stressed na stressed ako pero nawawala stress ko ‘pag napapanood ka.’ May purpose ka na,” ani Vice.


Malaking bahagi ng kanyang kasikatan ay ang milyon nitong kinikita, pero aniya, mahal niya ang kanyang ginagawa kaya't secondary na lang ang pera sa kanya.


“Hindi ito kaplastikan, ha? Malaking bagay ‘yung suweldo, pera. Pera-pera din, ‘di ba? Pero over and above the money, more than the salary, ‘pag tumagal ka sa ginagawa mo at mahal na mahal mo ‘yung ginagawa mo, hindi na ‘yun pera lang,” pagtatapos ni Vice.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page