top of page
Search

Feel the health pa ba sa PhilHealth?

BULGAR

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Jan. 27, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mare, nakakaloka! Habang ang mga tao’y nagkukumahog magbayad ng PhilHealth premium, ang gobyerno? TADAAAA!


Zero subsidy na! Aba, ang PhilHealth trust fund, parang sinadyang salakayin! Pinaparusahan daw ang mga namamahala dahil hindi nila inuubos ang budget! Kaloka sila!


Paano na ang mga pasyenteng umaasa sa tulong mula sa PhilHealth? Sorry na lang ba, mga teh?


This 2025 — ZERO subsidy ang PhilHealth, kaya naman tinatanong ko — TAMA BA ‘TO?


Paano na ang Universal Health Care na dapat priority? Tapos ang gobyerno kebs lang? Anoney???


Lahat nang ito para lang madagdagan ang MAIP o Medical Assistance for Indigent Program ng Kongreso mula sa Php26B, ngayon Php72B na! Mga charotera sila! Kailangan mo pa tuloy pumila at magpalakas sa mga pulitiko para mabigyan ng ayuda. Hindi ko na talaga kinakaya ang mga ganap mga beshie!


Kaya’t ‘yang budget ngayong taon, dapat talagang tutukan nang bonggang-bongga! Dahil dasurv natin ang mas maayos na healthcare system para sa lahat! Agree?

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page