top of page
Search
BULGAR

'Feel at home' sa Phl hosting ng FIVB Men's Worlds 2025

ni MC @Sports News | Nov. 19, 2024



Photo: Si AVC at PNVF president Ramon “Tats” Suzara nang magsalita sa harap ng 39th FIVB World Congress sa Porto, Portugal. (pnvfpix)


Bawat isang atleta, coach, delegado at fan ay waring madarama ang "feel at home" sa sandaling masolo hosting ng Pilipinas sa unang pagkakataon ang FIVB Men’s World Championship (MWCH) 2025 sa Setyembre sa susunod na taon.


At ipakikita rin sa world of volleyball na ang sport ay minamahal at kinagigiliwan ng mga Pinoy. “We can’t get enough of volleyball,” saad ni Ramon “Tats” Suzara sa 39th FIVB World Congress sa kanilang main session sa Porto, Portugal nitong weekend. “The Philippines is a country that loves volleyball.”


Nahalal si Suzara nitong Setyembre bilang pangulo ng Asian Volleyball Confederation na tatlong taon sa kanyang termino bilang pinuno ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF). Sa harap ng higit 200 miyembro ng sport’s world body akbilang na ang newly-elected FIVB president Fabio Azevedo at dating pangulong Ary Graça, pareho ng Brazil, at secretary-general Hugh McCutcheon ng New Zealand, ipinakita ni Suzara kung ano ang aasahan ng MWCH sa bansa sa pag-host nito sa Set. 12 hanggang 28 sa SM Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum.


“The rest of the world do not know that yet … that we love volleyball and that Filipino volleyball fans set the standard,” aniya nang tukuyin ang matinding responde ng mga Filipino sa Volleyball Nations League, o VNL, na nai-host ng bansa sa loob ng tatlong taon na magkakasunod.


“We scream and cheer louder than anyone else,” dagdag ni Suzara na ang fan attendance ay maaring umabot ng 8,000 kasunod ng unang 19,000 na itinala noong Hunyo.


Ipinagmalaki rin ni Suzara sa anunsiyo niya sa harap ng congress delegates na mula sa mababang 117th ranked sa mundo, tumalon ang Philippine men’s team sa No. 64 sa loob lamang ng 3 taon matapos ang pandemic. (MC)

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page