top of page
Search
BULGAR

Feel at home, Daniel… ALDEN, NAKA-TSINELAS LANG SA BAHAY NINA KATHRYN

ni Nitz Miralles @Bida | May 19, 2024



Photo
Screenshot / Circulated

Sa interview sa kanya ng Preview magazine, nabanggit ni Kathryn Bernardo na puwede na siyang magdesisyon for herself na hindi na siguro kailangang hintayin pa ang magiging desisyon ng mga magulang.


“Now, I’m free to navigate my life and make decisions. Now, I know how to say no,” sey ni Kathryn.


Dagdag pa nito, “The biggest gift is I was able to give myself new confidence and trust in myself.”


May nabanggit pa ang aktres na challenges na kanyang hinarap last year na iba sa challenges na dumating sa kanya noong bata pa siya.


“My challenges last year were different from when I was younger, But, I’m learning to accept that challenges evolve and I can't control if they get tougher.”


Kahit maraming hinarap na challenges, blessed pa rin ang feeling ni Kathryn na totoong-totoo naman.


“Sometimes, before sleeping, I realize, ‘Who am I to complain, eh, ito lang pinagdaraanan ko? The world doesn’t revolve around me.' This reminds me how blessed and lucky I am. It helps me end my day with gratitude,” ayon pa kay Kath.


Samantala, napansin ng mga fans na at home na at home na si Alden Richards sa bahay

nina Kathryn nang muling maimbita para sa despedida ng brother at sister-in-law ng aktres na babalik na sa ibang bansa kung saan sila naninirahan. 


Casual lang ang suot ni Alden at naka-tsinelas dahil bawal ang sapatos sa loob ng bahay ng mga Bernardo. 


Comment ng mga fans, layag na layag ang KathDen (Kathryn and Alden) love team. 

Kaya masaya ang mga fans na nag-aabang sa announcement this Sunday, 6 PM sa muling pagtatambal nina Alden at Kathryn sa part 2 ng Hello, Love, Goodbye. 


Ang hula pa rin ng mga fans, Hello, Love, Finally ang title ng HLG 2 based na rin sa teaser na inilalabas ng Star Cinema at GMA Pictures. First movie collab ito ng dalawang film outfits na lalong nagpapa-excite at pinag-aawayan na rin.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page