ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 31, 2020

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na itutuloy nila ang feeding program para sa 1.7 million estudyanteng benepisyaryo nito sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Saad ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, “Kung dati nagluluto ang teacher at mga magulang, tapos ang mga bata habang nasa eskuwelahan ay kumakain, ngayon, ito ay ide-deliver sa bahay.
“Depende sa public health situation ng ating mga eskuwelahan. So kung ano ang compliant sa minimum health standard.”
Nilinaw din ni Sevilla na maaaring maiba ang proseso ng kanilang feeding program, depende sa eskuwelahan at sa mga estudyante.
Aniya pa ay makikipag-ugnayan sila sa mga local government units at mga magulang sa pag-implementa ng naturang proyekto.
Comments