top of page
Search
  • BULGAR

FB account na nag-post, verified, pero poser lang daw… DIREK JOEL: AHRON, 'DI KA INABUSO, TUMAGAL KA SA INDUSTRIYA SA PAMOM*KPOK

ni Julie Bonifacio @Winner | August 27, 2024



Showbiz News
Photo: Direk Joel Lamangan at Ahron Villena

Lumobo na ang iskandalo ng sexual abuse sa showbiz na kinasangkutan ni Sandro Muhlach at dalawang GMA-7 independent contractors. 


Bigla na ring nasangkot si Direk Joel Lamangan at ang hunk actor na si Ahron Villena. 

Nag-post ng cryptic message si Ahron sa kanyang social media account pagkatapos ng pahayag ni Direk Joel sa isang interbyu.


Kahapon, kumalat sa social media ang isang screenshot na may account name ni Direk Joel at may blue checkmark pagkatapos ng kanyang pangalan. Ibig sabihin, verified ang Facebook (FB) account ni Joel Lamangan na may post na tila sagot sa cryptic post ni Ahron.


Ngunit, may mga nagsasabi na fake ang naturang post at may ibang dinepensahan si Direk Joel na hindi siya ang nag-post ng statement bilang sagot sa cryptic post ni Ahron.

Sa X (dating Twitter) namin nakita ang diumano’y FB post ni Direk Joel bilang sagot daw sa post ni Ahron. 


Caption ng netizen sa post daw ni Direk Joel, “Mula sa bulwagang pambalitaan ng pinaputok na bunganga ng tsismosang kapitbahay. Pasok! Joel Lamangan, truth ba?”


Narito ang nilalaman ng diumano’y FB post ni Direk Joel na pinapatungkulan ang cryptic post ni Ahron:


“Paano ka inabuso kung ‘yun naman ay ‘yong ginusto? Ikaw pa nga ang may sabi na isubo. Kaya ka hindi kinukuha sa leading man roles ay dahil alam sa buong network at production circles na bakla ka. 


“Hanga rin naman ako sa ‘yo, tumagal ka sa industriya dahil sa pamomokpok. Ilang baklang direktor at producer na ang iyong pinatikim ng panandaliang aliw at hinimod ang papaitan para magka-project ka. Naka ilang rich gay benefactor ka na, aber? 


“Ilan na sa kanila ang tumira sa ‘yo para makuha mo ang gusto mo? Balita ko, may ka-live-in ka pa na bakla ngayon sa Makati na nagbigay sa ‘yo ng negosyong bar at may mga anak-anakan pa kayo na aso. 


“Nakikisawsaw ka sa isyu para ikaw ay umingay at mapag-usapan dahil palaos na. Kaya itahol mo lang ‘yan. Pero never ka inabuso dahil ‘yun ay ginusto mo,” lahad sa post.


Sinilip namin ang FB account na may verified checkmark na Joel Lamangan. Doon ay nakita namin na inire-repost ng mga FB friends ni Direk Joel ang diumano’y statement na pinasisinungalingan ang pahayag na iyon.


May poser daw si Direk Joel na nagpapanggap na siya ang multi-awarded director.


‘Yun na!


 

HAPPY and proud kami sa aktor na si LA Santos sa nangyayari sa kanyang career ngayon. After ng super successful na movie niya with the Diamond Star Maricel Soriano last year, heto’t may bago siyang movie para sa 2024 Sinag Maynila Film Festival titled Maple Leaf Dreams (MLD), directed by Benedict Mique.


Pagmamalaki ni LA sa movie, “Naipakita po namin ‘yung magandang side ng Canada. Nag-shoot po kami sa Niagara Falls. Du’n n’yo po makikita na ako ay na-fall. Hahaha!”

Inabot daw sila ng 15 days na shoot sa Toronto, Canada.


“Nag-shoot din po kami sa Toronto Island, park, etc. Pero du’n po ako excited na maipakita ‘yun sa mga tao. Kasi po, ‘yung way na nai-shoot ni Direk (Benedict), saka ‘yung cut-to-cut po, talagang ang ganda po. Du’n po ako proud sa movie na ‘to, sobrang ganda,” bulalas pa ni LA.


Speaking of “falls,” tinanong namin si LA kung nag-level-up ba ang relationship nila ng leading lady niya sa movie na si Kira Balinger sa loob ng 15 days na shoot nila sa Toronto.


“Na-realize ko na sobrang galing ni Kira as an actress, kasi s’ya po talaga ‘yung bagay na leading lady sa movie. Hindi lang po sa movie na ‘to kundi sa buhay ko rin po,” sagot ni LA.


Diretsahan naming tinanong si LA kung sila na ba ni Kira in real life. 

Sagot ni LA, “Very close friends lang po talaga kami. Saka kami po ni Kira, ever since nagbibiruan na kami ng ganito. Saka alam ko naman na kahit mag-try ako, binabasted naman ako nito.”


Tapos, si Kira naman ang humirit ng tanong sa mga taga-entertainment press sa intimate mediacon ng MLD.


“Pero gusto n’yo po bang maging kami? ‘Yung totoo?” tanong ni Kira.

Then, we asked Direk Benedict kung paano ang proseso ng pagpili sa MLD bilang isa sa pitong pelikulang kasali sa competition category ng Sinag Maynila 2024.


Paliwanag ni Direk Mique, “Dito, ano, ‘di kami network, ‘di kami hawak ng anumang entity. So we need all the help we can get in terms of marketing. So, we need your help. I think Sinag Maynila is a good move for us. It’s gonna promote the movie more. At the same time, there are few screenings for people, by word-of-mouth na i-spread na maganda ang pelikula. That’s why we entered Sinag Maynila. 


"And fortunately, I mean, alam ko ang daming nag-submit pala, eh. So, nagulat kami kasi for something na ‘di kami ganu’n ka-artsy, nakapasok kami. It’s because of the merit of the film. I spoke to them and I asked bakit kami napili? Eh, it’s the merit of the film. Sabi nila, maganda ‘yung pelikula.”


Kumpara sa ibang films sa competition category ng Sinag Maynila 2024, hindi ganoon ka-“artsy” ang MLD.


“Hindi ako, uhm, usually the film that I make, ‘di ko alam kung nasaan ‘yung line between art and commercial. Basta ako, I try to mix everything. As long as it is engaging, as long as there’s a suspension of disbelief, and may gustong sabihin, so we make it,” esplika pa ni Direk Benedict.


Lastly, they are planning to seek support from OWWA Chief Arnell Ignacio para sa MLD. Magpapadala raw sila ng sulat kay Arnell at hopefully, makakuha sila ng favorable response.


Mapapanood ang Maple Leaf Dreams (MLD) na mula sa writer na si Hanna Cruz at produced by 7K Entertainment, Lonewolf Films, and Star Magic Studios, during the Sinag Maynila Filmfest simula sa September 4 to 8. Ipapalabas din sa major cinemas ang MLD on September 25. Kasama rin sa movie sina Snooky Serna, Tirso Cruz III, Joey Marquez, atbp..

  


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page