top of page
Search
  • BULGAR

Fans, turned-off sa ugali ng 2-time gold medalist… CARLOS, PINALITAN NI EJ BILANG ENDORSER

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Sep. 21, 2024



Showbiz News

Mukhang hindi na ini-renew ng MILO Philippines ang kontrata ni Carlos Yulo bilang endorser ng inuming chocolate drink. Ilang taon din na si Carlos Yulo ang endorser nito noon na kasama pa ang kanyang ina na si Angelica.


Ngayon, ang pole vaulter na si EJ Obiena ang kinuha ng MILO Philippines. 


Patunay na naapektuhan si Caloy Yulo ng kanyang pagsasalita sa social media laban sa kanyang ina. Nadismaya ang marami sa inasal ni Carlos Yulo, at nakakuha ng simpatya ang kanyang pamilya. 


Para sa marami, hindi magandang ehemplo si Caloy para sa mga kabataan ngayon.


Kahit pa nagbigay siya ng malaking karangalan sa ating bansa dahil sa kanyang pagkapanalo ng dalawang gold medal sa Paris Olympics, nabalewala ang lahat ng ito dahil sa kawalan niya ng respeto sa kanyang mga magulang. 


Bakit kaya si EJ Obiena ang kinuha ng MILO bilang endorser imbis na si Carlos Yulo?


 

GF, damay sa kasikatan…

CARLOS AT CHLOE, PACKAGE DEAL SA ENDORSEMENT


Carlos Yulo - Chloe Anjeleigh San Jose

Marami ang nagtatanong kung bakit kailangang dumikit at laging sumasama si Chloe San Jose sa mga interbyu ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, gayung hindi naman siya ang nanalo sa Paris Olympics. 


Package deal ba sila ni Carlos at gustong madamay sa exposure ng nobyo? 

Marami na ang naiinis sa sobrang pag-eksena ni Chloe sa buhay ni Carlos, maging sa interbyu at vlog ni Luis Manzano ay nandu'n din si Chloe.


Sa totoo lang, hindi siya nakakatulong sa career ni Carlos. Si Chloe ang nakikinabang at nagkakaroon ng free publicity dahil sa nobyong gold medalist.


Nakakapag-guest si Chloe sa mga TV shows and vlogs dahil kay Carlos Yulo. Biglang sumikat si Chloe matapos manalo ni Caloy sa Paris Olympics. 


Pero, ang impact na matatandaan ng lahat ay ang ginawa nitong pagpatol sa mga magulang ni Carlos. Inilayo ni Chloe San Jose ang loob ni Caloy Yulo sa kanyang magulang at mga kapatid upang masolo ang atensiyon ng nobyo. No wonder na bina-bash sa social media si Chloe San Jose.


 

38 na, wala pa ring dyowa…

BEA, KABADONG ‘DI NA MABUNTIS


Bea Alonzo

HINDI raw lubos na magiging masaya at kumpleto ang buhay ni Bea Alonzo kung hindi siya magkakaroon ng sariling pamilya. 


‘Yan ay ayon na rin sa ilang mga netizens na nakasubaybay sa lahat ng mga kaganapan sa buhay ng aktres. 


Oo, sikat siyang artista at kumikita nang milyones sa kanyang mga pelikula at endorsements, pero may kulang pa rin. Kahit napakarami na niyang properties na naipundar, hindi daw iyon sapat na batayan upang masabi na kumpleto ang kanyang kaligayahan. Iba pa rin ang naidudulot na saya kapag may anak siya at isang life partner na katuwang niya sa buhay.


Sa guesting ni Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), nabanggit niyang nag-aalala rin siya na hindi na magkakaanak. She’s 38 years old na ngayon. Usually, sa edad na ito, bihira na ang mga babaeng nabubuntis pa, maliban na lang kung susubok ng IVF procedure. ‘Yun lang ang puwede niyang gawin kung gusto niyang maranasan ang maging ganap na ina. Gayunpaman, ang unang dapat na ikonsidera ni Bea Alonzo ay ang paghahanap ng kanyang “Mr. Right” na tutugma sa kanyang standards. Malakas ang personalidad ni Bea, kaya maraming kalalakihan ang natatakot na ligawan siya. 


Bukod kay Bea Alonzo, kailangan din kasi na pumasa sa kanyang pamilya ang kanyang makakarelasyon.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page