top of page
Search
BULGAR

FANS NINA KIM-PAULO, NANG-AAWAY AT NANGMUMURA NG MGA NAGKOKOMENTO SA LAPLAPAN NILA

ni Ambet Nabus @Let's See | May 18, 2024



Showbiz Photo
File photo: Kim Chiu at Paulo Avelino / What's Wrong With Secretary Kim

Nakakaloka talaga ang ilang mga delusional fans ng KimPau.


Sa ilang beses na rin naming naisulat na positibo at bongga ang tandem, sa minsang pagpitik lang namin sa naging 'acting' halimbawa ni Kim Chiu o ni Paulo Avelino ay parang mga nakikipaggiyera na ang mga ito sa galit.


Hindi lang nila marinig 'yung gusto nilang ikabit na paglalarawan sa mga idolo nila, tatawagin ka nang walang kuwentang manunulat, biased at 'yung iba pa, pinepersonal ka, hahaha!


Sa pinag-usapan naming "laplapan" ng KimPau sa What's Wrong With Secretary Kim episode, feel na feel namin ang pagsasabi ng "ang sarap" with matching description ng


"buka ng bibig" at tila na-enjoy nang husto ng dalawa ang pag-internalize ng mga karakter nila.


Sukat ba namang pagmumurahin kami ng mga delulung fans ng dalawa at tawagin kaming "mas kadiri" dahil para raw "diring-diri" kami sa paglalarawan ng naturang eksena?


Saan kaya nanggaling 'yun, hahaha? 


Hay, sana naman, kung may time ang dalawang bida na ito at nakakausap nila ang mga tagahanga nila, sana ay malektyuran nila ng tamang asal ang mga ganitong fans, hahaha!


Hindi na kami magugulat if sooner or later ay may tsikang kumalat na may mga anak na rin ang KimPau o nagpakasal na dahil 'yun ang nais ng mga delulung fans nila na pinangungunahan ang lahat.


Again, 'yung iba at ilang maiingay sa socmed lang, ha? Hindi naman namin nilalahat!


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page