ni Nitz Miralles @Bida | January 26, 2024
Nag-tweet si Ruru Madrid ng “Thank you, Lord!!!” at sinugod na agad siya ng Kapuso at Kapamilya fans at kani-kanya ng comment.
Ang mga Kapuso fans, nag-congratulate kay Ruru, pero ang Kapamilya fans, iba ang rason sa pagsugod sa X (formerly Twitter) account ng aktor.
Kahit walang ibang sinabi, alam agad na ang ipinagpapasalamat ni Ruru ay ang 12.5 percent ratings ng Black Rider sa January 24 episode, beating Batang Quiapo na may 12. 2 percent ratings. Panalo ang series sa nasabing episode pero, para sa fans ni Coco, may dahilan kung bakit lumamang ang kay Ruru.
Comment ng isa, kaya nanalo ang Black Rider dahil sa PBA at delayed telecast ang Batang Quiapo. Dapat daw, sa PBA magpasalamat si Ruru.
Ayon naman sa isa pang fan ni Coco, sa A2Z dapat magpasalamat si Ruru. Wala raw kasi sa A2Z ang nasabing episode ng BQ.
Siyempre, masaya ang mga fans ni Ruru at mga sumusubaybay sa Black Rider.
Kinongratyuleyt si Ruru at deserve raw niya at ng series ang nasabing ratings.
Naaksidente at nagkasakit na si Ruru para lang mapaganda ang action series, kaya may rason para siya’y matuwa at magpasalamat.
Sa mga susunod na episodes, malalaman natin kung panalo uli sa ratings ang Black Rider.
And speaking of Ruru, may show sila nina Bianca Umali, Barbie Forteza at David Licauco, Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa Canada sa April 2024. Billed Sparkle goes to Canada, si Johnny Manahan ang director ng show.
Comments