Fans ng E-heads umaasa sa pangako ni Ely matapos mag-file ng candidacy ni VP Leni sa pagka-pangulo
- BULGAR
- Oct 9, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | October 9, 2021

Nagbubunyi ang mga fans ng OPM band na Ereaserheads matapos ang pahayag ng dating frontman na si Ely Buendia na magre-reunion ang banda kung tatakbo si Bise Presidente Leni Robredo sa pagka-pangulo.
Matatandaang sa isang tweet nitong Setyembre, natanong ang bokalistang si Ely Buendia kung may pag-asa bang magkaroon ng E-heads reunion.
Sagot ni Buendia, “‘Pag tumakbo si Leni”.
At nang maghain na ng kandidatura si VP Leni sa pagka-pangulo, agad bumaha ng tweet posts sa social media.
Lahat ng tweets ay nagsasabing maghihintay silang tuparin ni Ely ang pangakong binitawan nito.
Nag-trend sa Twitter ang posts tungkol sa song requests at kung may posibilidad na gawan ng jingle ng banda ang presidential aspirant.
Sa ngayon ay wala pang tugon si Ely sa usaping ito.
Komentarze