ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 10, 2021
Ayaw ng Kapuso actor na si David Licauco na maakusahang ginagamit lang niya si Julie Anne San Jose na kapareha niya sa Heartful Café upang sumikat pa siya nang husto.
Ayaw din niyang paasahin at papaniwalain ang mga fans ng Asia's Pop Diva na may “something” sa kanila.
Screen partners lang sila at bahagi ng kanilang trabaho ang maging malapit sa isa't isa. Kaya naman, inamin na sa publiko ni David Licauco na meron na siyang non-showbiz GF na isang Chinese. Naging kaklase raw niya dati ang tsinitang nagpatibok ng kanyang puso.
Ayon na rin kay David, mas tahimik kung non-showbiz ang kanyang karelasyon. Mas magkakaroon sila ng privacy kumpara kapag artista na laging nasa social media ang lahat ng kanilang kilos.
Dating model si David at nanalong Mr. Chinatown bago pumasok sa showbiz. Pinoy ang kayang dad at Chinese ang kanyang mom. May pagka-conservative ang kanilang pamilya kaya pinapansin ng kanyang mom 'pag nakikita na topless siya sa pictorial.
Samantala, sa Heartful Cafe ay maraming pakilig na eksena sina Heart (Julie Anne) at Ace (David) kaya kinikilig at natutuwa ang mga viewers.
Comments