top of page
Search

Fans, away-away na… SIGAW NG KAMPO: KATHDEN MOVIE, KAYANG ITAOB NG KIMPAU

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 17, 2025




May mga fans na pinag-aaway sina Alden Richards at Paulo Avelino at ang rason ay ang magiging box office gross ng My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) nina Paulo at Kim Chiu. 


Ang nakakaloka rito, sa March 26 pa ang playdate ng KimPau movie, pero nagkakagulo na ang mga fans nina Alden at Kathryn Bernardo at nina Kim at Paulo.


Nang maurong ang playdate ng KimPau movie, may ilang fans na sinisi sina Kathryn at Alden at ang movie nilang Hello, Love, Again (HLA) dahil mas pinaboran daw ng Star Cinema. 


Nang mag-gross ng more than P1 billion ang movie ng KathDen, nagkaasaran pa ang grupo ng mga fans. Kaya raw ng KimPau na pantayan at baka mas kumita pa ang MLWMYD kesa sa HLA dahil mas marami silang fans ng dalawa. Saka, ipapalabas din ang KimPau movie worldwide, kaya kikita rin daw ito ng bilyones.


Sagot naman ng KathDen fans, hintayin muna ng KimPau fans na maipalabas ang pelikula saka na sila mag-ingay na kaya nilang tapatan at talunin ang box office gross ng HLA.


Ang hindi pa maganda nito, pati sina Kathryn, Kim, Alden at Paulo ay ginagawan ng isyu. Friends ang dalawang aktres at matagal na ring friends sina Alden at Paulo. Ipinaalala ng mga fans ni Alden sa mga fans ni Paulo na ang huli ang tumulong sa una na i-set-up ang gaming equipment niya sa kanyang condo.


Also, last Sunday, magkasamang tumakbo sa Ayala Avenue at iba pang parte ng Makati ang dalawang aktor. Nanghinayang nga ang mga fans na hindi nakasama si Kim dahil may trabaho at si Barbie Forteza naman na nakasama ni Alden sa pagtakbo the other Sunday ay nasa Korea pa.


Wish ng mga netizens na magkasama-sama ang 4 sa pagtakbo para tumigil na ang mga fans nina Alden at Kathryn at nina Kim at Pau na mag-away-away.


 

Wa’ ring flowers at chocolates… 

BIANCA, UMAMING ‘DI SILA NAG-DATE NI RURU NU’NG V-DAY


HINDI pala nagse-celebrate ng Valentine’s Day sina Bianca Umali at Ruru Madrid, kaya wala tayong nakita na photos o video ng dalawa na may date noong February 14. Hindi rin nagbigay ng flowers o chocolate ang aktor sa kanyang girlfriend, bagay na hinintay pa naman ng kanilang mga fans.


Sa interview ni Nelson Canlas kay Bianca sa 24 Oras, nabanggit ng aktres na wala silang plano ni Ruru sa Valentine’s Day.


“Well, kaming dalawa po ni Ruru, hindi po talaga kami nagse-celebrate ng araw ng pagmamahalan,” wika ni Bianca.


Hindi raw nila kailangan ang partikular na araw at petsa para iparamdam o kaya patunayan na mahal nila ang isa’t isa. 


Nabanggit din ni Bianca na isa sa mga nagpatibay sa kanilang relasyon ay ang mabigat niyang pinagdaanan last year na si Ruru lang ang nakakaalam.

“Nobody knew but Ruru, it wasn’t easy. I always thought ayoko na nito, ayoko na rito,” sabi ni Bianca.


Hindi na nag-elaborate ang aktres kung ano ang nangyari sa kanya at nabanggit din niya ito sa interview sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Kung anuman ito, si Ruru Madrid ang kailangang tanungin, kaya lang, siguradong hindi magse-share ang aktor, kaya, ‘wag na nating alamin.


 

PINAKAPANALO sa amin na flower bouquet o flower arrangement na ibinigay ng male celebrities sa kanilang mga dyowa, asawa o girlfriend, ay ang bigay ni Billy Crawford sa asawang si Coleen Garcia.


Flower arrangement na hugis teddy bear ang bigay ni Billy sa asawa at kundi kami nagkakamali, Ecuadorian roses ang ginamit kaya malalaki o baka ibang flowers ‘yun.


Basta, kakaiba siya at mas malaki pa sa anak nilang si Amari.


Sabi ni Coleen, “Our Valentine’s Day blooms are always incredibly stunning and special, thanks to Daddy @billycrawford and @petalier_


“You outdo yourself every time, @ddianeyap! I’m forever proud and impressed.”


Kaya tama ang mga comments na ‘massive’ ang flower arrangement na natanggap ni Coleen Garcia dahil totoo. Heto ang pruweba!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page