ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 29, 2023
Dear Chief Acosta,
Isa akong family driver at hindi ako binayaran ng aking amo ng 13th month pay. Sinabi sa akin ng aking kaibigan na ako ay may karapatan na makatanggap ng 13th month pay. Tama ba na may karapatan akong makatanggap ng nasabing benepisyo? -- Jerel Dear Jerel,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa kasong Celia R. Atienza vs. Noel Sacramento Saluta (G.R. No. 233413, 17 June 2019), na isinulat ni Kagalang-galang na dating Kasamang Mahistrado Jose Reyes, Jr. ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema, kung saan nakasaad ang mga sumusunod: “Petitioner is also not liable to the respondent for the payment of holiday pay, 13th month pay and service incentive leave pay because persons in the personal service of another, such as family drivers, are exempted from the coverage of such benefits pursuant to Articles 82, 94 and 95 of the Labor Code, and Section 3(d) of the implementing rules of Presidential Decree No. 851.”
Batay sa nabanggit na desisyon, ang mga employer ay hindi mananagot para sa pagbabayad ng 13th month pay sa mga empleyado na maituturing na nasa personal na serbisyo ng iba, tulad ng mga family driver. Hindi sila kasama sa saklaw ng naturang benepisyo.
Alinsunod dito, wala kang karapatang mag-demand ng 13th month pay dahil ang iyong trabaho bilang family driver ay hindi kasama sa saklaw ng nasabing benepisyo. Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Dear chief Acosta
Family driver po aq(stay-in) wala po akong binefits kahit anu, kailangan poh vah voluntary aq kumuha nun? Or dapat sa employer?, 4 years naq sa kanila, may habol pa vah aq kahit Umalis nako sa kanila , problema nga lng wala kc cla kontrata