top of page
Search
BULGAR

Fake news, hindi na nakakatulong, perhuwisyo pa!

@Editorial | April 20, 2021



Sa halip na nakatuon ang lahat sa pandemya, dagdag-problema itong mga fake news na napakabilis kumalat lalo na sa social media.


Hindi lang mga personal na buhay ang nagagawang sirain nito kundi nagiging banta na rin sa seguridad ng bansa.


Tulad ng kumalat sa social media na umano’y may grupo ng Viber 500 na binubuo raw ng mga aktibo at retiradong opisyal ng militar na binawi ang kanilang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinasabi ng grupo na dismayado sila pamamahala ng Pangulo sa isyu ng pang-aagaw ng China sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WSP).


Bagay na pinalagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. Agad siyang nanawagan sa mga kalaban ng pamahalaan na tigilan ang pagpapakalat ng fake news sa panahon na kinakailangang magkaisa ang bansa.


Mariin ding itinanggi ni Lorenzana na kasama siya sa mga retiradong opisyal na kabilang sa sinasabing grupo. Aniya, kailanman ay hindi siya magiging bahagi ng naturang grupo, at maging ang kanyang mga kasamahan sa DND na dating militar.


Malinaw na ang ganitong uri ng disimpormasyon ay panggugulo lang mula sa mga taong hindi lubusang nauunawaan ang isyu. Walang ibang maidudulot kundi pagkalito at gulo.


Sa halip na pagpapakalat ng fake news ang atupagin, sana’y gumawa ng lang ng paraan kung paano makatutulong sa kinahaharap na pandemya.


Marami nang iniisip ang gobyerno at ang mamamayan, huwag nang dagdagan.


At kailangan nang may masampolan sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon — mas mabigat na parusa upang hindi na pamarisan ng iba.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page