ni Jasmin Joy Evangelista | January 27, 2022
Itinalaga ni Philippine National Police Chief Gen. Dionardo Carlos si Police Col. Jean Fajardo bilang bagong spokesperson ng PNP.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP Public Information Office (PNP-PIO) nitong Miyerkules ng gabi na papalitan ni Fajardo, na isang abogado, si newly-promoted Brig. Gen. Roderick Augustus Alba.
Pamumunuan na ngayon ni Alba ang buong PNP-PIO, maliban sa pagiging national coordinator ng PNP kasama ang Presidential Task Force on Media Security, at bilang executive producer ng public affairs programs sa iba’t ibang media platforms.
Si Alba ay mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1992, habang si Fajardo ay miyembro ng PNPA Class of 1996. Si Fajardo ay graduate sa Jose Rizal University’s College of Law at naging abogado noong 2009
Nagsilbi naman bilang deputy director for operations ng PNP’s Drug Enforcement Group (DEG) si Fajardo, at naging provincial director ng Pampanga, at dating hepe ng Police Regional Office 3’s Intelligence Division.
Comentários