top of page
Search

Facebook at iba pang social media platform, hindi na-access ng halos anim na oras

BULGAR

ni Jasmin Joy Evangelista | October 5, 2021



Nakaranas ng massive outages ang pangunahing social media platform na Facebook.


Naapektuhan din nito ang mga Facebook-owned services tulad ng Instagram at WhatsApp simula nitong gabi ng Oktubre 4.


Matapos ang anim na oras ay unti-unti na rin itong nagbabalik online bagama’t may paunti-unti pa ring pagbagal.


“We're aware that some people are having trouble accessing our apps and products," sabi ng Facebook sa Twitter. "We're working to get things back to normal as quickly as possible, and we apologize for any inconvenience."


Base sa outage tracker na Downdetector, nakatanggap sila ng mga report hinggil sa mga social media platforms na hindi ma-access mula sa iba’t ibang panig ng mundo.


Ang Facebook ay hindi naglo-load ng kahit anong content habang ang Instagram at WhatsApp ay accessible pero hindi rin naglo-load ng content at hindi makapag-send ng messages.


Hindi agad natukoy ang pinagmulan ng outage ngunit ayon sa ilang security experts, ito ay maaaring nagmula sa Domain Name System (DNS) problem.


Itina-translate ng DNS ang website names sa IP addresses na binabasa ng mga computer. Ito rin ay tinatawag na "phonebook of the internet."


Ayon pa sa tweet ng Facebook, “To the huge community of people and businesses around the world who depend on us: we're sorry.” "We've been working hard to restore access to our apps and services and are happy to report they are coming back online now. Thank you for bearing with us."


Dahil dito maraming mga netizens ang nagparating ng kanilang karanasan sa Facebook sa pamamagitan ng microblogging site na Twitter.


Nag-trend sa Twitter ang #Facebook Down ilang minuto mula nang magsimulang hindi na ma-access ang nasabing social media sites.

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page