ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 5, 2021
Papayagan na ng Manila government ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa ilang eskuwelahang nag-aalok ng medical programs, ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Pahayag ni Mayor Isko, “We welcome CEU (Centro Escolar University) for that matter, EAC (Emilio Aguinaldo College), FEU (Far Eastern University), or anybody na may medical school. Malamang sa hindi, papayagan namin.”
Pinag-aaralan din ng local government unit (LGU) na payagan nang magsagawa ng face-to-face classes sa iba pang nursing schools ngunit kailangang masiguro na nasusunod ang mga health protocols at dapat ding payagang magsagawa ng regular na inspeksiyon ang LGU sa mga eskuwelahan.
Sa ngayon, maaari nang magsagawa ng face-to-face classes para sa kanilang medical at allied health programs ang University of Santo Tomas (UST).
Samantala, sasagutin naman ng city government ang regular na swab testing para sa mga medical students na a-attend na ng face-to-face classes.
Saad ni Mayor Isko, “The City of Manila, we have three machines and two laboratories. We can offer [swab test] regularly. Para magkaroon sila ng peace of mind (for their peace of mind), we can submit them to swab testing, and it can be available for free so that it would not add cost to the students.”
Comments