ni Mary Gutierrez Almirañez | February 15, 2021
Hindi pabor ang lokal na pamahalaan ng Marikina at Caloocan sa bagong quarantine restrictions na ipinatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) noong ika-12 ng Pebrero.
Ayon sa kanila, mas mainam na buksan ang paaralan sa halip na ang tradisyonal na sinehan.
Anila, mayroong dalawang oras ang isang palabas, at sa tagal nu’n ay posibleng maging mas mabilis ang hawahan sakaling nakapasok ang isang positibo sa virus dahil air-conditioned at sarado ang loob ng sinehan. Mahalagang mag-focus muna sa pagbabakuna para maabot ang herd immunity.
Dagdag pa ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, maaaring mabalewala ang pagbubukas ng ekonomiya kung muling lolobo ang bilang ng positibo sa COVID-19 dahil sa mas maluwag na quarantine restrictions sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Bukod sa sinehan, maaari na rin umanong magbalik-operasyon ang mga sumusunod:
Driving schools
Video at interactive-game arcades
Libraries, archives, museums, cultural centers
Meetings, incentives, conferences at exhibitions
Limited social events sa mga credited establishments ng Department of Tourism
Limited tourist attractions katulad ng mga parke, natural sites at historical landmarks
Ngayong araw ay nakatakdang magsagawa ng konsultasyon ang NCR mayors sa Metro Manila Council hinggil sa desisyon ng IATF.
Comments