top of page
Search
BULGAR

Face shield sa vaxx site, required na sa Marikina City

ni Lolet Abania | January 8, 2022



Muling ni-require ng lokal na gobyerno ng Marikina City sa mga indibidwal ang pagsusuot ng face shields sa mga vaccination centers.


“Bunsod ng pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 at pagdeklara sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3, ang lahat ng pupunta sa MARIKINA VACCINATION CENTERS ay REQUIRED na MAGSUOT NG FACE SHIELD at FACE MASK,” batay sa Marikina Public Information Office sa isang Facebook post.


“Sama-sama po nating ingatan ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa. Maraming salamat po,” dagdag ng LGU.


Matatandaan na ipinahayag ng national government na ang paggamit ng mga face shields ay boluntaryo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2, at 3. Gayunman, ang mga establisimyento o employers ay maaaring i-require ang paggamit ng face shields sa kanilang nasasakupan.


Sa isang report, binanggit ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na, “Hiniling na rin ito ng mga vaccinators natin na kung pwede as an added precaution i-require na magsuot ng face shield ang mga nagpapabakuna lalo na ngayon itinaas namin ang output capacity sa mga vaccination sites sa Marikina from previously 3,000 or 4,000 na nagpapabakuna araw-araw ngayon halos nadoble na ito 8,000 na.”


Bukod sa mga vaccination sites, nire-require na rin sa mga indibidwal ang pagsusuot face shields sa mga crowded places gaya ng wet markets, ayon pa sa report.


“Ang ginagawa natin positive reinforcement dahil mahirap na ang buhay iniiwasan talaga namin ‘yung pagmulta more on ang ginagawa namin, we simply notify or issue ticket or ine-encourage namin minsan mga barangay namin or mga volunteer groups kung may pinamimigay silang face mask or face shield,” paliwanag ni Teodoro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page