top of page
Search
BULGAR

Face shield, out na sa open areas; facemask palagi pa ring isuot

@Editorial | September 24, 2021



Puwede nang hindi gumamit ng face shield sa open areas.


Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong huwag nang mag-face shield maliban sa mga lugar na nasa “3C category” o closed, crowded at close contact.


Matatandaang ipinag-utos na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta variant.


Kaugnay nitong bagong desisyon, dapat ilatag nang mas malinaw ang panuntunan, tulad ng pagtukoy ng crowded o matataong lugar, para maiwasan ang kalituhan at gulo. Kailan masasabing crowded ang isang lugar? May mga open area kasi na masasabing matao tulad ng palengke at terminal, dapat may tiyak na batayan.


Napakahalaga ring nauunawaan ng mismong mga awtoridad ang pasyang ito. Madalas ay nagkakaroon ng problema ‘pag hindi nagkakaunawaan ang naninita sa sinisita.


Huwag na sanang maulit ang mga insidenteng may nasasaktan pa dahil sa hindi naiintindihang panuntunan.


Samantala, bagama’t hindi na required ang face shield sa ilang lugar o pagkakataon, huwag namang kalimutan ang wastong pagsusuot ng facemask. Ito ay para sa ilong at bibig at hindi sa baba at lalong hindi sa bulsa. Importante rin na tamang face mask ang gamit at hindi lang pamorma.


Ang facemask ay malaking tulong para makaiwas sa banta ng COVID at hindi dapat makampante hangga’t may kaso ng nakahahawang sakit.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page