top of page
Search
BULGAR

Face shield, out na sa Election Day – Comelec

ni Lolet Abania | February 21, 2022



Hindi na ire-require ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2, at 3 sa darating na May 9 elections.


Sa new normal manual ng Comelec na inilathala noong Pebrero 18, ayon sa ahensiya ang paggamit ng face shields kapag boboto sa 2022 elections ay boluntaryo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2, at 3.


Subalit ayon sa Comelec, mandated pa rin para sa mga botante ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa iba pang minimum public health protocols sa araw ng eleksyon.


Ang mga voters ay sasailalim din sa non-contact temperature check sa pagpasok nila sa mga polling precinct. Ang mga may temperatura ng 37.5 degrees Celsius ay kailangang dalhin sa mga medical personnel na naka-standby, at sakaling may lagnat, dadalhin naman sila sa isang isolated polling place para doon bumoto.


Matapos ang eleksyon, ang mga Boards of Canvassers ay kailangang mahigpit na sumunod at ipatupad ang minimum public health standards.


Dapat din nilang tiyakin na ang kabuuang bilang ng mga indibidwal sa loob ng canvassing venue ay hindi lalagpas sa kanilang operational capacity.


Nagpatupad ang Comelec ng mas mahigpit na campaign at election guidelines dahil ito ang unang pagkakataon na ang mga Pilipino ay maghahalal ng mga leaders sa ilalim ng COVID-19 pandemic.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page