top of page
Search
BULGAR

Face mask, ‘di na kailangan sa mga open spaces — Cebu gov

ni Lolet Abania | June 9, 2022



Isang executive order ang inisyu ni Cebu Governor Gwen Garcia hinggil sa pagbawi sa mandato ng pagsusuot ng face mask sa mga open spaces sa lalawigan.


Sa Executive Order 16 na inisyu nitong Miyerkules, ayon kay Garcia ang mga face masks ay kakailanganin na lamang sa mga closed at air-conditioned areas.


“The use of face masks shall be optional in well-ventilated and open spaces,” nakasaad sa order.


Gayunman aniya, ang mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 gaya ng lagnat, ubo o runny nose ay required pa rin na magsuot ng mask kapag aalis ng kanilang bahay. Binanggit naman ni Garcia na ang pag-improve ng probinsiya sa sitwasyon ng COVID-19, ang dahilan kaya pinaluwag na ang mandato ng face mask.


“Other countries, including Singapore, have already directed the wearing of masks and other personal protective equipment be optional in outdoor settings,” ani Garcia sa kanyang order.


Batay sa latest health bulletin na ini-release ng Central Visayas health office, nakapag-record ang Cebu ng average na 36 kaso ng COVID-19 kada araw mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4, habang tinatayang 4 milyong mamamayan sa rehiyon ay fully vaccinated na.


Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mandatory na paggamit ng face masks ang magiging anila, “last to go” o huling aalisin sa transition ng bansa sa new normal.


Marami na ring beses na hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang probinsiya na sumunod sa national mandates ng COVID-19 response.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page