ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 18, 2021
Ganap nang bagyo o tropical storm ang tropical depression Fabian, ngayong Linggo, ayon sa PAGASA. Huling namataan ang Bagyong Fabian sa 1,090 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon at kumikilos sa north northwest na taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometers per hour at may bugsong umaabot sa 80 kph, ayon sa 5 AM bulletin ng PAGASA.
Sa ngayon ay wala pang itinataas na tropical cyclone wind signals at posible rin umanong hindi magdadala ng malakas ng pag-ulan ang bagyo, ayon sa PAGASA ngunit paiigtingin ng TS Fabian at ng isa pang low pressure area na namataan sa 630 km West ng Calayan, Cagayan na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Southwest Monsoon.
Dahil dito, makararanas ng pag-ulan ang Western Visayas, Palawan, at Occidental Mindoro “in the next 24 hours.” Samantala, inaasahang lalabas ng PAR ang TS Fabian sa Lunes nang gabi.
Comments