top of page
Search
BULGAR

Extradition ni Quiboloy, wala pang inihirit ang US

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 9, 2024




Nagpahayag ang Department of Justice (DOJ) nu'ng Biyernes na wala pang natatanggap na request ang pamahalaan ng bansa para sa extradition ng tagapagtatag ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy mula sa United States.


Ibinaba ni Jose Dominic Clavano, tagapagsalita ng DOJ, ang pahayag matapos ang ulat na nag-utos si Judge Terry Hatter Jr. ng Central District ng California na maglabas ng mga warrant of arrest laban kay Quiboloy.


Ang televangelist ay inakusahan ng conspiracy na sumali sa sex trafficking sa pamamagitan ng pamimilit, panlilinlang, pang-aakit, sex trafficking ng mga bata, sabwatan at bulk cash smuggling.


Tumanggi namang magbigay ng komento si Clavano kung ano'ng mangyayari kapag may request na para sa extradition ni Quiboloy.


Gayunpaman, iginiit ng opisyal ng DOJ na titiyakin ng ahensya na makakamit ang katarungan para sa mga sinasabing biktima ni Quiboloy.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page