ni Mylene Alfonso | April 26, 2023
Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na posibleng maalis ang ilang serbisyo ng mga unregistered SIM card kabilang ang mga social media sites tulad ng Facebook at TikTok.
Ito ang inihayag ni DICT Sec. Ivan Uy matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., nang 90 araw ang deadline ng SIM card registration.
"We did not put those conditions in the first SIM card registration but because of our observation that people are not taking our deadline seriously, we are now exploring other options to incentivize registration," ayon sa Kalihim.
Sinabi pa ni Uy na nakikipag-usap na ang DICT sa mga telcos hinggil sa proseso ng pagpaparehistro sa panahon ng extension.
"We will observe the rate of registration and after a certain period, we're seeing maybe 30 days or 60 days into registration, we will start deactivating some services on the SIM card," wika ni Uy.
"Let's say after 60 days, you will lose your access to your Facebook accounts or your TikTok accounts. You can still use your phone, you can still call, you can still text and then after a certain period, you will lose your outgoing calls so that way, ramdam n'yo kung ano effect na 'di kayo nagpaparehistro," banta pa ng Kalihim.
Kaugnay nito, kabilang aniya sa mga lugar na mababa ang turnout ng pagpaparehistro ng SIM card ang Dinagat, Siquijor, Camiguin Islands, Tawi-Tawi at Basilan.
Comments