top of page
Search
  • BULGAR

Expanded number coding scheme, simula Agosto 15 – MMDA

ni Lolet Abania | August 11, 2022



Nakatakdang magpatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng expanded number coding scheme sa National Capital Region (NCR) simula Lunes, Agosto 15.


Ipapatupad ang number coding scheme mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga, at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi, na epektibo mula Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holidays.


Batay sa report, ang scheme ay napagkasunduan ng mga opisyal sa unang Metro Manila Council meeting na ginanap ngayong Huwebes.


Ayon kay MMDA acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga, ang expanded coding scheme ay in-enforce dahil sa inaasahang 13 porsiyentong increase sa bilang ng mga sasakyan sa Metro Manila bago pa ang pagbubukas ng mga klase.


Nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa Department of Transportation (DOTr) para sa deployment ng mga bus at karagdagang traffic enforcers.


Sinabi rin ni Dimayuga na ang MMDA ay hindi manghuhuli ng mga violators mula Agosto 15 hanggang 17 para maging aware ang publiko sa ibinabang ruling, subalit magsisimula sila na mag-isyu ng mga tickets sa Agosto 18.


“Nabatid na bago nito, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi lang o oras ng rush hour sa gabi,” sabi ni Dimayuga.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page