ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Nov. 21, 2024
Dear Chief Acosta,
Nabalitaan ko na ang mga electric vehicle (EV) ay may exemption mula sa pagsunod sa number coding na ipinapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lansangan. Ano ang legal na basehan ng exemption na ito? — Jared
Dear Jared,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Section 25 (a), Chapter IV ng Republic Act (R.A.) No. 11697, o ang “Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA Law),” na naglalahad ng iba’t ibang insentibo para sa mga gumagamit ng electric vehicle, gaya ng:
“Section 25. Non-Fiscal Incentives. - The following non-fiscal incentives shall remain in force for eight (8) years from the effectivity of this Act:
(a) For EV users:
(1) Priority registration and renewal of registration, and issuance of a special type of vehicle plate by LTO;
(2) Exemption from the mandatory unified vehicular volume reduction program, number-coding scheme, or other similar schemes implemented by the Metropolitan Manila Development Authority, other similar agencies, and LGUs;
(3) Expeditious processing by the LTFRB of applications for franchise to operate, including its renewal, for PUV operators that are exclusively utilizing EVs; and
(4) Availment of TESDA Training Programs on EV assembly, use, maintenance, and repair for its employees;”
Sang-ayon sa nabanggit na batas, isa sa mga insentibong ibinahagi sa mga nagmamay-ari ng electric vehicle ay ang exemption sa number coding scheme na kasalukuyang ipinatutupad ng MMDA. Kaya ang bawat may-ari ng electric vehicle ay maaaring makampante na malaya na silang makakapagmaneho kahit na anong araw.
Para sa kaalaman ng lahat, ang tinukoy ng Section 4(k) ng EVIDA Law ay isang electric vehicle bilang, “a vehicle with at least one (1) electric drive for vehicle propulsion. For purposes of this Act, it includes a BEV, hybrid-electric vehicle, light electric vehicle, and a plug-in hybrid-electric vehicle.”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Opmerkingen