ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sptember 12, 2024
Wala man sa local showbiz, mukhang sa pagiging sikat na modelo mauuwi ang anak ni Patricia Javier na si Robert Douglas Walcher IV, na itinanghal na Mr. Teen International 2023 sa Thailand at kinilala bilang isa sa mga modelo ng U.S.-based Filipino-American designer na si Kenneth Barlis.
Hindi pa rito nagtatapos ang journey ni Robert dahil pupunta siya sa Paris, France sa susunod na buwan kasama ang kanyang pamilya — ang kanyang Mommy Patricia, Daddy Robert Douglas Walcher, at ang kanilang bunso na si Ryan — dahil rarampa siya sa Paris Fashion Week sa Oktubre 4, 2024.
Sa interbyu kay Patricia, “He’s always working out, eating healthy food, and busy rehearsing his runway walk. He’s very excited kasi first time n’yang makakasali sa Paris Fashion Week at makakasama niya ang iba’t ibang mga modelo mula sa iba’t ibang panig ng mundo,” pagmamalaki ng aktres sa kanyang panganay.
Dagdag pa niya, “The event is two days only, but we are joining him—my husband Dr. Rob and our youngest son Ryan. Wala namang conflict sa school nila dahil semestral break kaya we can all go, parang family vacation na rin.
“We are flying to France on October 1 and we will celebrate the 13th birthday of Ryan there. He’s turning 13 on October 2.”
Ayon kay Patricia, sinusulit lang ni Robert IV ang panahon nito bilang ramp model dahil ang pag-aaral pa rin ang pangunahing priority ng kanyang anak, ang makapagtapos ng college course at kumuha ng kurso gaya ng sa ama na isang chiropractor.
“Robert is serious with his studies. After high school, he will take a pre-med course. Four years ‘yun then another four years for his chiropractic degree in the USA. Pero sinabi ni Robert na gagawin n’ya ang lahat habang nandito s’ya sa Pilipinas, tatanggap pa rin siya ng mga TV guesting, modelling stints, at product endorsements.
“Madalas din s’yang imbitahan na judge sa mga beauty pageants. Saka tinutulungan nila ako ni Ryan sa mga community charity work ko, like Balik-Eskuwela,” pahayag ni Patricia Javier.
Pagkatapos ng kanilang 12 taong relasyon, ikinasal na rin ang TV at movie personality na si Kaladkaren (Jervi Li) sa kanyang British fiancé na si Luke Wrightson.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook (FB) post noong Setyembre 9, 2024, inanunsiyo ni Kaladkaren ang kanilang kasal noong Setyembre 8 sa ceremonial county ng Scarborough, North Yorkshire sa England.
Lahad niya, “The Wrightsons. 8th of September 2024. Wedding in the clouds.”
Kaugnay ng kanyang post, pangarap daw sana nina Kaladkaren at Luke na isang “sunny day” ang kanilang kasal, pero biglang naging “cloudy” at halos wala nang makita dahil foggy ang paligid.
Sa kabila nito, naging masaya pa rin si Kaladkaren na pakiramdam niya ay siya ang pinakamasuwerteng babae dahil pinakasalan niya ang “love of my life” niya.
Inanunsiyo ni Kaladkaren ang engagement nila ni Luke sa pamamagitan ng Instagram (IG) noong Setyembre 9, 2020.
Mensahe ni Kaladkaren sa caption, “The man of my dreams asked me to marry him in our own little balcony. It’s OFFICIAL! May… Nagkatuluyan! #Engaged #LoveWins #TransLOVEmatters.”
Nagkaroon naman ng second proposal si Luke kay Kaladkaren noong Hulyo 25, 2024. Sa IG noong araw na iyon, ibinahagi ni Kaladkaren ang mga kuhang litrato ng second proposal sa kanya ng nobyo na nangyari pa mismo sa kalagitnaan ng prenup shoot nila sa London.
Maramdamin ang kanyang mensahe sa caption, “Proposal 2.0!!! (crying in tears emojis) Heart is full, hand is heavy! [ring emoji] #TheWrightsons. Luke and I got engaged in the middle of the pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn’t even have the chance to have a proper photo shoot until now.
“I thought it was just an ordinary prenup shoot! Sobrang gulat ko nang muli s’yang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!! Huhuhu. Worth the wait! You make me the happiest, my love!”
Comentarios