top of page
Search

Exchange partners lang… KATHRYN KAY DONNY, DANIEL KAY BELLE NAMAN

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 1, 2025




Mababasa ang “Congratulations, anak!” na post ni Karla Estrada patungkol kay Daniel Padilla. 


Walang binanggit si Karla kung bakit niya kino-congratulate ang anak, pero ang hula ay tungkol ito sa bagong project ni Daniel.


After Incognito, gagawa uli ng movie si Daniel at isa sa mga makakasama niya ay si Belle Mariano. Nakipag-meeting na si Daniel sa mga taga-Star Cinema. Si Belle naman, nakipag-meeting kay Direk Cathy Garcia-Sampana na siyang magdidirehe ng pelikula na family drama raw. Dalawa lang daw sina Daniel at Belle sa malaking cast ng pelikula.


Ang ganda ng ginawa ng Star Cinema, pagsasamahin sina Daniel at Belle sa pelikula at sina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo naman ay magkasamang magho-host sa Pilipinas Got Talent (PGT).


Naging “maingay” ang pagsasama nina Kathryn at Donny bilang hosts ng PGT. Tingnan natin kung magiging maingay din ang pagsasama nina Daniel at Belle sa pelikula kapag na-announce na.


 

NAALALA namin, nag-trending ang episode ng Batang Quiapo (BQ) nang mamaalam ang mga karakter nina Senator Lito Lapid at Lorna Tolentino bilang sina Supremo at Amanda respectively. Kailangang mamaalam ang karakter ng dalawa dahil muling tumatakbong senador si Lito.


Ang daming viewers na nalungkot na hindi na nila mapapanood sina Supremo at Amanda. Minahal sila ng mga viewers at ang kilig na kanilang hatid. 

Malay natin, pagsamahin uli ang senador at si LT sa mga susunod na series ni Coco Martin.


And speaking of Coco, muli niyang tinutulungan si Lito sa kampanya nito. Siya ang number one endorser ng senador at umapir siya sa TVC nito at laging ipinaaalala kung

ano ang number ng senador.


In fairness kay Lito, lagi siyang nasa Top 12, hindi siya nawawala sa kamalayan ng mga botante at makikita natin kung paano siya tanggapin ng tao kapag umiikot na sa iba’t ibang parte ng bansa.


Gaya na lamang nang bumisita siya sa ilang bayan sa South Cotabato, inikot nito ang mga palengke at ilang barangay sa Koronadal City, Polomok, at General Santos City. 


Sa bawat lugar na puntahan ni Lito, hindi naiiwasang tanungin siya kung may pag-asa pa bang bumalik siya sa BQ pagkatapos ng eleksiyon?


 

SIGURADONG hindi mao-offend si Miguel Tanfelix kapag sinabi sa kanya na mas sikat sa kanya ngayon ang mom niyang si Mommy Grace. Magiging proud pa nito ang aktor ng Mga Batang Riles (MBR) dahil totoo.


Sumikat si Mommy Grace dahil sa pagluluto at sa expression niyang “Okay na ‘to” tuwing nakakatapos magluto. 


Naglabasan ang maraming parody ng mga nagluluto at ginaya ang expression ni Mommy Grace.


Pinasok na rin ni Mommy Grace ang showbiz hindi dahil sa anak, kinuha siya para mag-guest sa action series ng anak at ang role niya ay nagluluto. 


Nag-taping na si Mommy Grace, in fact, umere na ang episode niya kagabi at ang title pa ng episode ay MBR, Okay Na ‘To.


Kinunan ni Miguel ng photo ang mom niya habang nagte-taping at pagkatapos ng eksena nito, nagpakuha siya ng photo with his mom at ipinost sa Instagram. Ang caption ng post niya ay “May bibisita sa Sitio Liwanag! Excited for mommy’s first serye guesting.”


Comment ng mga fans, ang susunod nito, bibigyan na ng GMA ng cooking show si Mommy Grace, siya na ang bida at guest na lang si Miguel. 

Masaya nga!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page