ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 13, 2022
Tanda n'yo pa ba ang dating Viva Hot Babe na si Rachel Villanueva?
Isa na siyang matagumpay na negosyante ngayon.
Kung ang ibang Viva Hot Babes ay na-miss ang showbiz kaya nagbabalikan sa paggawa ng pelikula tulad ni Andrea del Rosario na may pelikulang ipinalalabas ngayon ay iba naman si Rachel na bagama’t nami-miss din ang showbiz, wala siyang planong balikan ito dahil masaya na siya sa kanyang trabaho bilang presidente ng Autoflare na may kinalaman sa pagbebenta ng luxury cars tulad ng Mercedes Benz, Chrysler, Dodge, RAM, Peugeot, Mazda, GAC, and Morris Garages or MG.
Sabi ni Rachel sa opening ng Auto iCon sa Alabang Town Center, “I am not getting any younger as I have to look for a stable job. I joined the sales of Mercedes Benz. Yes, I am happy, it’s even better than showbiz.”
Katuwang ni Rachel si Dexter Co, ang president at CEO ng Auto iCon na ayon sa ex-Viva Hot Babe ay natutunan niya ang lahat ng nalalaman niya sa pagbebenta ng luxury cars sa kanyang former boss.
“You really have to value your customers. Know what they want, what they need and what will make them happy,” saad ni Rachel.
Samantala, isa ang self-proclaimed Internet Action Star at komedyanteng si Ramon Bautista na sumulat din ng librong Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo sa mga guests sa Auto iCon launch dahil isa rin siyang car enthusiast.
Sa ngayon ay nagtuturo ng film sa UP Diliman si Ramon kapag wala siyang ganap sa showbiz.
Ayon kay Mr. Dexter Co, “We invited Ramon because of his knowledge and enthusiasm about cars, which now makes him an influencer in this field. We are confident that he will be impressed with our line-up in this exhibit.”
Sabi naman ni Ramon, gusto niyang maging face o endorser ng Auto iCon dahil type niya ang Mercedes Benz na nasa exhibit dahil ang kotseng ginagamit niya ngayon ay graduation gift ng tatay niya noong nagtapos siya ng college — Mitsubishi Lancer.
Comments