ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 7, 2021
Pumanaw na sa edad 63 si former Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali ngayong Huwebes dahil sa cardiac arrest, ayon sa kanyang kapatid na si Rep. Alfonso Umali ng Oriental Mindoro.
Sa radio interview, ayon kay Rep. Alfonso, na-diagnose sa COVID-19 at Stage 3 liver cancer ang dating abogado noong December 2020. Aniya pa ay umabot sa Stage 4 ang cancer nito.
Nagsilbi bilang representative ng second district ng Oriental Mindoro si Umali noong 15th, 16th at 17th Congress, simula 2010 hanggang 2019.
Noong 17th Congress, naging chair ng House Committee on Justice si Umali at nanguna sa impeachment proceedings laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Habang isinusulat ito, wala pang inilalabas na ibang detalye ang pamilya kaugnay ng pagkamatay niya.
Comments