top of page
Search
BULGAR

Ex-pulis na nambatok, nagkasa ng baril sa siklista, binawian ng lisensya

ni Mai Ancheta @News | August 29, 2023




Kinumpiska ng Philippine National Police-Firearms and Explosive Office ang tatlong baril na pagmamay-ari ni Wilfredo Gonzales, ang motoristang nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa Quezon City.


Ipinakita ni PNP-FEO Director P/BGen. Kenneth Lucas sa media ang mga nakumpiskang baril ni Gonzales na kinabibilangan ng tatlong caliber 45.


Ang baril na kinasa ni Gonzales sa siklista na 9mm pistol ay idineposito sa Quezon City Police District.


Iniutos na rin aniya ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang pagbawi sa mga lisensya ng baril, kabilang dito ang license to own and possess firearms at permit to carry firearms at rehistro ng baril ni Gonzales.


Si Gonzales ay dating pulis na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District subalit nasibak sa serbisyo noong 2018.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page