top of page
Search
  • BULGAR

Ex-P-Duterte, 'pag ikinulong sa kamara, malamang salakayin ng milyun-milyong DDS

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 30, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SABI NI EX-P-DUTERTE HINDI SIYA DADALO, KAYA ANG TANONG, KAYA BANG I-CONTEMPT AT IPAARESTO NG KAMARA ANG EX-PRESIDENT -- Malaking pagkakamali ang ginawang imbitasyon ng Kamara kay ex-P-Duterte patungkol sa isyu ng extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas sa panahon ng Duterte administration.


Nagpalabas na kasi ng statement ang kampo ni ex-P-Duterte na iisnabin niya ang imbitasyon ng Kamara.


Ang Kamara ay may power na i-contempt at ipaaresto ang mga resource person na umiisnab sa kanilang imbitasyon, kaya ang tanong: May “balls” ba ang Kamara na ipaaresto at ipakulong si ex-P-Duterte kapag patuloy nitong inisnab ang kanilang imbitasyon? Abangan!


XXX


KAPAG SI EX-P-DUTERTE IKINULONG SA KAMARA, BAKA SALAKAYIN ITO NG MILYUN-MILYONG DDS -- Nasabi nating pagkakamali ang imbitasyon ng Kamara kay ex-P-Duterte kasi kapag kinontempt at ipinaaresto nila ang ex-president dahil sa pagtanggi na dumalo sa hearing ay baka pagmulan ng gulo.


Baka salakayin ng milyun-milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) ang House of Representatives kapag ikinulong dito si ex-P-Duterte, nakupo!


XXX


KUNG TOTOONG KAKALAS SI SEN. TOLENTINO SA PDP NI EX-P-DUTERTE, BAKA HINDI SIYA IBOTO NG MGA DDS -- Ayon kay Sen. Ronald Dela Rosa ay isang senador na kapartido raw nila ang kakalas sa partido nilang PDP upang sumapi sa administration party, at bagama’t hindi pinangalanan ay tila si Sen. Francis Tolentino na siyang Senate majority floor leader ngayon ang kanyang tinutukoy.


Kung totoo na kakalas si Sen. Tolentino sa partidong PDP na pinamumunuan ni ex-P-Duterte ay baka ikatalo niya ito, kasi on the record naman na mas marami ang DDS kaysa Marcos loyalists at napatunayan na iyan na mas maraming botong nakuha ni Vice Pres. Sara Duterte kaysa kay Pres. Bongbong Marcos, na ibig sabihin, kapag ibinasura ng mga DDS ang kanyang kandidatura, mas malamang ang talo niya kaysa panalo, period!


XXX


KAPAG SIKAT NA MGA VLOGGER, PUWEDE NA HINDI MAGBAYAD NG KINAIN SA RESTAURANT, GANU’N BA ‘YUN? -- Nag-viral sa social media na hindi raw nagbayad sa kanilang kinain sa isang restaurant sa Coron, Palawan ang mga naideklarang persona-non-grata sa lalawigan ang mga vlogger na sina Rosmar Tan, Rendon Labador at kanilang mga kasama, na ang dahilan ay mga sikat daw silang social media influencers at part na ng promotion nila sa restaurant ang kanilang pagkain dito kaya hindi raw binayaran ang mga kinain nila.


Kung totoo ito, aba’y ganu’n pala ang patakaran, kapag sikat na vlogger ay puwede nang kumain nang libre o ‘eat and run’ sa mga restaurant, boom!



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page