ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 22, 2025

FAKE NEWS ANG SURVEY NG SWS NA 51% GUSTONG MAPANAGOT SI EX-P-DUTERTE KASI KITA NAMAN NG PUBLIKO NA NAPAKARAMI ANG NANANAWAGANG MAIUWI SA ‘PINAS ANG EX-PRESIDENT -- Walang duda, fake news, pekeng surbey ang inilabas ng Social Weather Stations (SWS) na kesyo 51% daw ng mamamayang Pinoy ang agree o pabor na mapanagot si ex-P-Duterte sa naganap na extrajudicial killings (EJK) sa bansa noong Duterte administration.
Kaya natin nasabing pekeng surbey ay dahil nakita naman ng publiko sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at maging sa ibang bansa na nakapakaraming Pinoy ang nagsagawa ng mga protesta sa pambabatikos sa Marcos admin at panawagang palayain sa International Criminal Court (ICC) jail si ex-P-Duterte at maiuwi na siya sa ‘Pinas, period!
XXX
MAHAL NA MAHAL NG MGA OFW SI EX-P-DUTERTE DAHIL NOONG SIYA PA ANG PRESIDENTE, ALAM NILANG HABANG NAGWU-WORK SILA ABROAD, LIGTAS SA MGA ADIK AT KRIMINAL ANG KANILANG MGA PAMILYA SA ‘PINAS -- Majority ng overseas Filipino workers (OFWs) ay love na love si ex-P-Duterte.
Ang dahilan kung bakit mahal na mahal ng OFWs si ex-P-Duterte ay dahil noong siya pa ang presidente ng ‘Pinas ay wala silang pangamba na mabibiktima ng mga adik at kriminal ang kanilang mga pamilya, mga mahal sa buhay habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa, kasi nga matindi ang kampanya ng ex-president laban sa mga sangkot sa droga at mga kriminal, boom!
XXX
ALAM NI SPEAKER ROMUALDEZ NA TATAMBAKAN SIYA NG BOTO NI VP SARA SA PAGKA-PRESIDENTE KAYA ATAT NA ATAT SIYANG MA-IMPEACH ITO -- Matapos ianunsyo ng Senado na inihahanda na nila ang mga gagamitin sa impeachment trial kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na uumpisahan sa buwan ng July 2025, ay agad pinuri ni Speaker Martin Romualdez si Senate Pres. Chiz Escudero.
Talaga itong si Speaker Martin Romualdez, atat na atat mapa-impeach si VP Sara kasi alam niya na kapag ito ang nakalaban niya sa 2028 presidential election ay “kakain siya ng alikabok” at siguradong tatambakan siya ng boto ng anak ni ex-P-Duterte, period!
XXX
300 YEARS NA KULONG SA 6 ‘CORRUPT’ NA DPWH OFFICIALS, NAPAKA-OA NAMANG HATOL IYAN -- Anim na mga kurakot umano na dating opisyal ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) ang hinatulan ng Sandiganbayan ng 300 years na pagkakakulong dahil sa mga kinasangkutan nilang kasong graft at estafa.
Masyado namang OA (overacting) ang hatol na iyan, eh wala namang tao sa mundo na nabuhay na umabot ng 150 years ang edad, he-he-he!
Comments