ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 27, 2024
Dear Maestro,
Noong nagtrabaho ako sa Dubai, agad na nambabae ang aking mister dito sa ‘Pinas. Naghiwalay kami at tuluyan siyang sumama sa kerida niya. Sa ngayon, nakikitira ako rito sa mga magulang ko.
Maestro, magkakabalikan pa kaya kami ng mister ko? Kung sakaling hindi na, may lalaki pa kayang darating sa buhay ko kahit na may dalawa na akong anak?
Samantala, balak ko sanang mag-abroad muli, may ikalawang pangingibang-bansa ba sa kapalaran ko? Kung oo, kailan kaya ito mangyayari? Ang birthday ko ay September 19, 1979.
Umaasa,
Odyssey ng Santa Rosa, Calauag, Quezon
Dear Odyssey,
Ayon sa zodiac sign mong Virgo, sa birth date na 19 o 1, (ang 19 ay 1+9=10/ 1+0=1) sa destiny number 9 (9+19+1979=2007/ 20+07=27/ 2+7=9) sadyang may ikalawa at mas mabungang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran at ito ay inaasahang maganap sa susunod na taon, sa buwan ng Abril o Mayo, sa edad mong 45 pataas,
Kaya sa susunod na taong 2025, pagsapit na pagsapit ng Enero ay mag-apply ka na agad, dahil paglipas ng apat o limang buwan, tiyak na ang magaganap, may isang mabunga at maunlad na pag-a-abroad ang itatala sa iyong kapalaran.
Dagdag dito, ayon pa rin sa iyong Travel Calendar, sa panahong iyon, ang nasabing ikalawang pangingibang-bansa ay higit na mas magiging mabunga at mabiyaya.
Hinggil naman sa pag-ibig ayon sa iyong Love Calendar, muli kang makakapag-asawa sa ikalawang pagkakataon at ang nasabing pag-aasawa ay hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.
Ang ikalawang lalaki na magiging bahagi ng iyong buhay ay makikilala mo sa abroad. Ito ay magaganap sa taong 2026, sa edad mong 26 pataas, tuluyan ka ng makakasumpong ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na ikalawang pagpapamilya.
Comments