ni Ambet Nabus @Let's See | Nov. 9, 2024
Photo: Dominic Roque at Sue Ramirez sa viral online - Circulated / TikTok / FB
Kung hindi pa pinag-usapan ang kumalat na photos and video nina Dominic Roque at Sue Ramirez na tila may “kissing” na naganap, hindi pa namin malalaman na break na pala ang aktres sa kanyang jowang si Javi Benitez?
Ang naturang photos ay na-grab daw sa isang party sa Siargao na parang may katuwaan at sa video naman ay may sandaling “tukaan” na naganap sa dalawa.
Hindi malinaw sa mga Marites kung ‘yun daw ba ay parte ng katuwaan lang o sadyang may namamagitan na umano kina Dom at Sue.
At kung totoong hiwalay na nga si Sue sa kanyang aktor-pulitikong BF at single naman si Dom, mukhang walang dapat na iintriga sa dalawa, ‘di ba?
Pero curious talaga kami sa sinasabing pakikipaghiwalay ni Sue dahil narinig din namin
kay Javi Benitez noong active pa siya sa acting career niya na ang aktres na nga ang wish at type niyang maging asawa.
At dahil hindi na active si Javi sa showbiz, masasabi ba nating naging coterminous o natapos na ang naturang “wish”?
Aktor, nagtatago raw, palipat-lipat sa HK, Taiwan at Vietnam… JILLIAN, DAWIT SA KASO NI KEN, IIMBESTIGAHAN DIN
Sinadya pala talaga ng mga abogado ni Ken Chan na mag-imbita ng mga kaibigan sa media upang tangkaing i-serve for the second time ang Warrant of Arrest dito para sa kasong syndicated estafa.
But as we all know, nabigo na naman sila dahil kahit ang mga kapamilya ng aktor ay hindi nila nakita o naabutan.
Ayon pa rin sa ilang naging malapit sa aktor, nasa abroad nga raw ito at nagpapalipat-lipat ng tinitirhan sa Hong Kong, Taiwan at ngayon umano ay sa Vietnam.
May nagkuwento pa na plano ring imbestigahan si Jillian Ward na nakasama niya sa isang series dahil ito diumano ang madalas na nakakausap ng aktor dahil naging mag-BFF nga ang dalawa.
In fact, alam umano ni Jillian ang whereabouts ni Ken dahil kilala rin ng aktres ang ilan pang mga naging kanegosyo ng aktor.
Hala, magsalita naman kaya si Jillian Ward if ever na imbitahan siya o hingan ng pahayag?
WELL, since naibalita natin dito ang pagiging bilyonarya ni Gretchen Barretto, kakaiba naman ang kuwento ni Angie Mead King, ang transwoman billionaire ng chain of motels sa bansa.
Para talaga itong action star na lumabas sa nagliliyab niyang Acura NSX sports car na kung ilang milyon ang halaga.
Sa napanood naming video habang pinatatakbo niya ito sa kahabaan ng SLEX, nagba-vlog pa ito at magiliw na nagkukuwento tungkol sa naturang sports car.
Then suddenly, biglang nagliyab ang likurang bahagi ng sasakyan sabay makikita nating lumabas siya at binitbit ang luxury bag.
The next thing we heard, nagkukuwento na siya sa isang tinawagan sa phone upang
humingi ng saklolo.
Tapos ‘yun na nga, may mga dumating nang rescue at kitang-kita sa video ang kabuuan ng insidente na para bang nagtapon lang talaga ito ng milyones dahil mukhang wala nang silbi pa ang luxury sports car niya.
Kung may hinangaan man kami kay Angie ay 'yung pagiging kalmado at matapang niya sa sitwasyon. Walang tili, sigaw, o hysteria na paandar at parang isang tunay na action star talaga. Hahaha!
Unlike ru’n sa isang bilyonaryang mahilig mangolekta ng Labubu dolls na kulang na lang, sambahin ang mga chaka dolls na naturan at tinatawag pa ng ilan na ‘demonic”. Hahahaha!
Comments