top of page
Search
BULGAR

Ex ni Rico… STELL NG SB19, SI MARIS ANG ULTIMATE CRUSH

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 29, 2024



Showbiz News
Photo: Maris Racal at Stell / Fast Talk with Boy Abunda

Si Maris Racal pala ang ultimate celebrity crush ng miyembro ng SB19 na si Stell. Nag-guest kasi ang grupo sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na inere last Monday (part 1) and Tuesday (part 2) at isa nga sa mga naitanong sa kanila ay kung sino ang crush nilang artista.


Ang bilis ng sagot ni Stell na si Maris ang crush niya.

Si Josh naman ay si Yeji ng K-Pop girl group na Itzy ang crush. Si Justin ay ang Hollywood actress na si Saoirse Ronan.


Sey naman ni Ken, wala pa siyang nagugustuhan sa ngayon sa mga local o foreign artists, kaya pass muna siya.


Pero marami ang naloka sa sagot ni Pablo. Ang kanyang bet ay ang Hollywood superstar na si Keanu Reeves.


Bale ba ay may issue na nga sa sexuality ni Pablo at inili-link na siya kay Stell.

Pero sinagot din naman nila ito sa part 2 ng panayam nitong Martes. 


Ayon kay Stell, tinatawanan na lang nila ang isyu at wala raw problema sa kanya kung anuman ang tingin sa kanya ng mga tao. At hindi raw nila hinayaang makaapekto ito sa grupo o sa kanilang pagkakaibigan.


“Ayaw din namin pong hayaan na maapektuhan kami as friends, as group. Kasi parang kung sa ‘min, joke lang s’ya and then, sa mga tao pala, iniisip nilang totoo, tapos gagawan pa ng mas malalang isyu,” sey ni Stell Ajero.


 

PINANININDIGAN ni AJ Raval na wala talaga silang anak ni Aljur Abrenica, tulad ng matagal nang napapabalita.


Umingay na naman kasi ang isyu kamakailan nang may lumabas na larawan nila sa socmed kung saan ay makikita silang may kasamang bata. Hinala ng mga netizens, anak nila ito.


Sa interbyu ni Julius Babao kay AJ sa online show nito, muling nilinaw ng Vivamax star ang tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu.


“First of all, ‘di po ako taun-taon buntis. Parang yearly na lang po akong buntis,” ani AJ na natatawa.


Dagdag pa niya, kung mabubuntis nga raw siya ay magiging napakasaya niya.


“Siguro po, kung mabubuntis man ako ngayon, magalit man ‘yung maraming tao, ako pa rin po ‘yung pinakamasayang tao sa buong mundo,” sey ng sexy actress.


Aniya pa, kaya nawala siya sa limelight for a while ay dahil mas pinili muna niyang tapusin ang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).


Kaya nang lumabas daw ang mga balitang buntis siya, hindi na niya masyadong pinansin dahil busy siya sa pag-aaral at sobrang happy nang nakatapos siya.


“Hindi ko siya masyadong binigyan ng focus kasi nu’ng nawala ako, ang saya-saya ko, eh.


“Imagine, kahit paano, naka-graduate ako, nag-ALS ako, natulungan ko ‘yung mga tao sa programa na ‘yun. May na-inspire ako. Bakit ako magpo-focus sa ganu’ng bagay, ‘di ba?


“Actually, ‘di ko na s’ya napansin masyado. Parang nasanay na ako sa mga isyu-isyu, saka yearly ako buntis, everyday,” sey niya.


Naging emosyonal naman ang aktres nang matanong kung ano ang pinaka-hurtful na nabasa o narinig niya tungkol sa kanila ni Aljur.


“‘Yung pinakamasakit na sinabi sa ‘kin, 'yung pati ‘yung family ko, nadadamay. ‘Yung sa tatay ko, sa nanay ko, parang sinasabi nila, ‘Like mother, like daughter,’ mga ganu’n,” umiiyak na sabi ni AJ.


“Siyempre, ‘pag naririnig ko ‘yun, alam ko ‘yung story namin, eh. Alam ko ‘yung story ng tatay ko, ng nanay ko, ng stepmother ko,” dagdag niya.


“Pero ‘yung mga ibinabato sa ‘min na diretso sa ‘min, ‘di naman, ‘di naman s’ya masakit,” aniya pa.


May bukod na interbyu rin si Julius kay Aljur, ipinaliwanag ng aktor na ang batang kasama nila sa viral photo ay isa sa mga kamag-anak nila.


Inamin naman ng aktor na napag-uusapan din nila ni AJ Raval ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page