ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 30, 2025
Nakakatuwa ang mga comments ng netizens sa reels na ipinost ni Aira Lopez habang nililinisan ng boyfriend niyang si Batangas Vice-Governor Mark Leviste ang kanyang refrigerator.
Ang galing maglinis ng ref ni Mark gamit ang sponge at sabon at maghuhugas pa yata ng pinagkainan nila.
Sabi ni Aira, “Btw (by the way), he volunteered to do this. In fairness, he did better & faster than me. Sorry na VG! Hehehe #freshfromworkpayan.”
Pagkatapos linisin ang ref, pinunasan din ni Mark ang floor na nabasa at nakangiti pa ito nang tumingin kay Aira.
Sabi naman ni Mark sa kanyang caption, “Basta Batangueño, Tigasin. Tiga-linis, tiga-hugas, tiga-laba.”
Comment ng mga netizens, in love na naman si Mark at may nag-comment na ‘wag daw abusuhin ni Aira ang BF. Pinayuhan pa si VG na kilalanin muna ang GF. May nagbiro namang may hugasin at labahin sa bahay nila, pakisunod daw.
May nakita pa kaming post ni VG Mark, kasama si Aira nang dumalo siya sa 129th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Kaya siguradong makikita pa natin sina Mark Leviste at Aira Lopez sa mga susunod na araw.
Ang PinoyFlix Films and Entertainment Production ba ang producer ng The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP), ang controversial film ni Director Darryl Yap? O, baka distributor sila ng movie.
Naka-address kasi ang letter ng MTRCB kay Jose R. Olinares, Jr., president ng film company tungkol sa estado ng pagpapa-review ng TROPP.
Hindi kasi nababanggit ni Direk Darryl ang producer o distributor ng pinaka-controversial niyang pelikula. Nalaman lang nang i-post niya sa Facebook ang letter ng MTRCB.
Si Jose R. Olinares, Jr. ay isang director/producer at kabilang sa pelikula niya ang Luna Sagrada (LS) at The Buy Bust Queen (TBBQ). Ang Pinoyflix naman ay isang platform para raw i-promote ang Filipino cinema.
Nai-post ni Direk Darryl na sa February 5, 2025 na ang showing ng kanyang pelikula at ibinalitang “being reviewed by MTRCB” na ang TROPP.
Kaya lang, naglabas ng statement ang MTRCB at nilinaw na hindi pa nila nire-review ang pelikula dahil hindi kumpleto ang mga kailangang dokumento.
Kailangan pa raw mag-submit ang distributor ng certificates mula sa RTC, DOJ at City Prosecutor bago ma-review ang movie.
Sabi ng MTRCB, sinusunod nila ang Presidential Decree No. 1986 para maiwasan ang paglabag sa regulasyon.
Nilinaw at itinanggi rin ng MTRCB na ‘under review’ na ang pelikula. Ibig sabihin, hindi pa ito nare-review.
Next week na ang February 5, ang tanong ng marami, maipapalabas ba ang pelikula sa playdate nito?
Pinakyaw mo na ‘teh! HERLENE, MAY TONY NA, MAY AFAM AT THAI-IRISH MODEL PA
IN fairness kay Herlene Budol, nakakatawa siya sa teaser ng Binibining Marikit (BM), ang bago niyang project sa GMA-7 na magpa-pilot sa February 10.
‘Kaaliw siya sa linyahan niyang “Since I was burn,” na dapat ay “Since I was born.”
Nakakatuwa rin siya sa “Subscribe Me,” na ang dapat ay “Subscribe my...” YouTube (YT) channel o vlog o kung anuman.
Siguradong marami pang nakakatawang dialogues si Herlene sa Afternoon Prime at nagpahayag ito ng tuwa na after one year, may serye na uli siya. Mukhang special ang afternoon series na ito dahil nag-shoot sila sa Japan at may AFAM (a foreigner assigned to Manila) pang love interest si Herlene.
Bukod kay Tony Labrusca, love interest din niya ang Thai-Irish model at Manhunt International 2024 winner na si Kevin Dason. Curious ang mga netizens sa off-cam na kaganapan sa taping, kung napapasubo ba sa Ingles si Herlene kapag kausap si Kevin.
Anyway, ginagampanan ni Herlene sa afternoon series ang role ni Marikit, isang tour guide vlogger na galing sa Dumagat-Remontado tribe. Kasama ni Herlene sina Pokwang, Ashley Rivera, Thea Tolentino at marami pang iba.
Comments