top of page
Search
BULGAR

Ex ni Daniel, todo-proud, Bea… DOMINIC, SI KATHRYN ANG KASAMA SA B-DAY

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 23, 2024



Showbiz News

Si Kathryn Bernardo ang kasamang nag-celebrate ni Dominic Roque ng kanyang 34th birthday nu'ng July 20. 


Nalaman ito ng mga netizens at fans nina Dominic at Bea Alonzo at maging ng mga solid Dom fans dahil sa Instagram Stories ni Kathryn last July 21, kung saan nag-post ito ng tatlong photos.


Sa unang picture ay solo lang ni Dominic na nasa bangka. Sa second picture, solo uli ng aktor na may hawak na plate na may slice of birthday cake at candle at nakalagay ang

"Happy birthday, Dom". Habang sa third photo ay kasama naman si Kathryn at nag-wacky shot pa ang dalawa.


Happy ang mga Kath-Dom shippers na makitang mas nagiging close ang dalawa dahil pareho nga namang single na sina Kathryn at Dominic at kung mauwi man sa romantic relationship ang friendship nila ay hindi naman siguro tututol ang pamilya ng isa't isa.


Matagal nang magkaibigan sina Kathryn at Dominic, pero dahil pareho nga silang wala nang dyowa matapos ang breakup kina Daniel Padilla at Bea Alonzo respectively, mas may time silang mag-bonding at makilala ang isa't isa.


At for sure, mas kinilig ang mga Kath-Dom shippers sa caption ni Kathryn sa photo ni Dominic na may hawak na plate ng cake which says: "FWESH NI BDAY BOY.. FACT: I JUST FOUND OUT LAST MONTH THAT HE HAS A DIMPLE HAHAHA."


Nakuuu! Mukhang weakness pa naman ni Kathryn sa guy ang dimples dahil pansin n'yo, pare-parehong may dimples sina Daniel Padilla, Dominic Roque at Alden Richards, na leading man naman ni Kathryn sa sequel ng Hello, Love, Goodbye na Hello, Love, Again.


So, kung ma-develop nga si Kathryn kay Dominic, well, abangan na lang natin…


 

Sen. Chiz, ayaw agawan ng eksena…

HEART, 'DI NAG-EFFORT SA OOTD SA SONA



Chiz Escudero at Heart Evangelista - IG

SIMPLE pero elegante pa rin ang suot na white Filipiniana gown ni Heart Evangelista nang dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon, July 22.


First time ni Heart na dumalo as First Lady ng Senate President niyang mister na si Senator Chiz Escudero, kaya naman inaasahan ng lahat na aagaw ng eksena ang aktres sa kanyang head-turner gown.


But in fairness kay Heart, kahit ano yatang isuot ay talagang lilingunin dahil kilala na siyang fashion icon at talagang inaabangan lagi ang suot.


Sa panayam ng TV5 showbiz reporter na si MJ Marfori kay Heart bago sila pumasok ni Sen. Chiz sa Congress Plenary Hall, nagpaliwanag ang aktres kung bakit simple at sakto lang ang kanyang OOTD.


"Yeah, I wanted it to be simple. At the end of the day, it's not really about us, so I wanted to dress appropriately. Well, every time naman, so I opted for Michael Leyva for my first and second."


At least, wala nga namang masasabi ang mga bashers na ginawang fashion show ni Heart ang SONA.


 

BUKOD kay Bossing Vic Sotto, may isa pa palang ambassador ang Playtime, ang fastest growing 24/7 online gaming entertainment platform sa 'Pinas.

Ito'y ang itinanghal na first-ever PlayTime Binibini winner sa Binibining Pilipinas pageant sa 


Smart Araneta Coliseum last July 7 na si Samantha Viktoria Acosta.


Si Samantha na tubong-Bulacan ang nakakuha ng highest number of online votes during the competition kaya siya ang itinanghal na Playtime Binibini.


Nakatanggap siya ng cash prize worth P100,000 from Playtime. 


“I am very grateful for this recognition and I look forward to supporting and sharing the PlayTime happiness to everyone,” ani Samantha.


"PlayTime’s sponsorship has been instrumental in providing support and resources to the contestants throughout the competition. PlayTime is honored to be a major sponsor of

Binibining Pilipinas. We believe in the power of supporting young Filipinas who are not only beautiful but are also intelligent and socially responsible," ayon kay Jay Sabale, PR Head ng PlayTime.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page