ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 05, 2021
Wala nang gaanong post ngayon sa social media ang magkarelasyong Raymart Santiago at Jodi Santamaria, kaya kung anu-anong isyu at espekulasyon na naman ang lumulutang.
Nababalitang hiwalay na sila ngayon at may third party involved daw. May bago na raw GF ngayon si Raymart pero hindi pa niya inilalantad sa publiko.
Nababalita rin na kaya alanganin si Raymart sa relasyon nila ni Jodi ay dahil marami pang ibang plano sa buhay ang aktres. Bukod sa kanyang career ay may iba pang goal at pangarap si Jodi at hindi niya priority ang relasyon nila ni Raymart.
Well, parehong mailap sa media sina Raymart at Jodi kaya tiyak na hindi sila magsasalita sa isyu ng kanilang paghihiwalay kung totoo man.
Comments