ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 18, 2023
Tinalbugan ni Kathryn Bernardo ang ex-BF at onscreen love team na si Daniel Padilla!
Kabilang na kasi si Kathryn sa Anak TV Hall of Fame.
Ang mga programa at mga personalidad ng ABS-CBN ay kinilala sa Anak TV Awards.
Pinarangalan ang 33 programa at personalidad ng ABS-CBN para sa pagtataguyod ng mga temang pampamilya at sa pagiging mabuting huwaran sa mga bata sa Anak TV Awards noong Biyernes (Disyembre 8).
Kabilang sa mga nakatanggap ng Anak TV seal ay ang ASAP Natin 'To, The Voice Kids, Hero City Kids Force ng iWantTFC, Parent Experiment ni YeY, Team YeY Vlogs at Knowledge Channel's AgriKids, I Love You 1000, Ready Set Read, MathDali, Wikharian, Knowledge On The Go, Art Smart at Kwentoons sa television at online categories.
Sa kabilang banda, kinilala rin ang Kapamilya stars na sina Alexa Ilacad, Amy Perez, Andrea Brillantes, Anne Curtis, Belle Mariano, Daniel Padilla, Donny Pangilinan, Francine Diaz, Jeremy Glinoga, Karylle, KD Estrada, Kim Chiu, Kyle Echarri, Regine Velasquez-Alcasid, sina Robi Domingo at Seth Fedelin bilang Makabata Stars (television at online categories) para sa pagiging mabuting ehemplo sa mga batang Pilipino.
Pero big winner nga si Kathryn Bernardo dahil tinanghal siyang Hall of Famer dahil sa patuloy na pagboto sa kanya bilang Makabata Star sa loob ng pitong magkakasunod na taon.
Samantala, kabilang ang It's Showtime, TV Patrol at ang Sineskwela ng Knowledge Channel sa Household Favorite Programs ngayong taon sa television category.
Ang Anak TV Awards ay ibinibigay ng ANAK TV, isang organisasyong may adbokasiya na nagtataguyod ng literasiya sa telebisyon at nagtataguyod ng mga child-sensitive at family-oriented na mga programa sa Pilipinas.
Ang Anak TV Seal ay isang pambansang parangal na ibinibigay sa mga programang ibinoto ng mga magulang, guro, propesyunal sa media at negosyo, gobyerno, media, NGO, sektor ng relihiyon, at kabataan.
Sayang at hindi nakarating sa grand mediacon ng pelikulang When I Met You In Tokyo ang Star for All Seasons na si Vilma Santos. Gayunpaman, sumali pa rin siya sa Q&A portion kahit meron siyang sipon at ubo. Game pa rin siyang sumagot sa lahat ng tanong sa kanya ng madlang press pipol.
'Yan ang tinatawag na very professional na ta-artits, sa true lang.
'Niwey, first time um-attend ni Lotlot de Leon sa mga preskon ng When I Met You In Tokyo at ang laki na ng ipinagbago ng kanyang fezlak at wankatitat. Tipong naging blooming ang kanyang byuti at wala pa sa hitsu ng kanyang wankatitat na meron na siyang mga anak, wa' kiyems and in pernes, 'noh!
Kaya nu'ng magkatabi sila ng daddy dearest niyang si Christopher de Leon ay nasabi namin sa aming sarili na puwede silang gumawa ng pelikula hindi bilang mag-ama kundi bilang magkapatid.
Yes, Sir! Puwedeng-puwede!
Ang hula nga pala ni Madam Damin ay itong pelikulang When I Met You In Tokyo ang papatok sa takilya sa lahat ng MMFF '23 entries sa mismong araw ng Pasko.
Well, let's just wait and see, 'ika nga. Pero sana naman, lahat ng MMFF '23 entries, kumita para maging boom na boom uli ang ating movie industry.
Yes, wish lang namin, Ms. Vicky Morales, 'yun na!
Komentar