top of page

Ex-Mayor Bistek, nakikini-kinita nang ma-Bilibid

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 13, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

RATING NI PBBM PABABA NANG PABABA, RATING NI VP SARA PATAAS NANG PATAAS -- Sa latest survey na inilabas ng WR Numero Research Firm ay tumaas ng 9% ang rating ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, na mula sa 41% noong Pebrero 2025, ay naging 50% na ito, samantalang 1% naman ang ibinaba ng rating ni Pres. Bongbong Marcos na mula sa 30% noong Pebrero 2025 din, ay 29% na lang ito ngayong buwan.


Masamang pangitain iyan sa Marcos administration kasi nakikita na ang rating ni VP Sara ay pataas nang pataas, habang pababa naman nang pababa ang rating ni PBBM, boom!


XXX


PAG-TOP NI SEN. BONG GO AT PAMAMAYAGPAG NG IBA PANG SENATORIAL CANDIDATES NI EX-PDU30 SA SURVEY PATUNAY NA GALIT ANG MAJORITY PINOY KAY PBBM -- Sa mga latest survey ng iba’t ibang survey firms patungkol sa mga senatorial candidate ay laging top o rank number 1 na si Sen. Bong Go, matatag na rin si Sen. Ronald Dela Rosa na nagra-rank 5-7, at pumapasok din sa mga contender sa rank 11 at 12 sina actor Philip Salvador at Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta.


Ang pamamayagpag ng mga senatorial candidate ni ex-PDu30 sa senatorial election ang magpapatunay na majority Pinoy ang nagalit kay PBBM sa ginawang paghuli ng kanyang administrasyon at pagpapakulong sa dating presidente sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands, period!


XXX


DAPAT LANG IBASURA NI PBBM NA MAGING PINOY ANG CHINESE NA SI LU DUAN WANG --Vineto o ni-reject ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang panukalang Filipino citizenship ni Li Duan Wang, negosyanteng Chinese na nakabase sa Pilipinas.


Tama talaga ang desisyon na iyan ni PBBM kasi pulos pambu-bully na ang ginagawa ng China sa ‘Pinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), tapos itong Chinese na ito gusto pang maging Filipino citizen, pwe!


XXX


NAKIKITA NG PUBLIKO NA MALAPIT NANG MA-BILIBID SI BISTEK -- Ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit na motion for reconsideration ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista na ipawalang-sala siya sa kinasasangkutan niyang P32 million graft case na may kaugnayan sa maanomalyang tracking system project noong siya pa ang alkalde ng lungsod.


Dahil diyan ay nakikini-kinita na ng sambayanang Pinoy na malapit nang ma-Bilibid si Bistek, abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page