ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 13, 2024
Oh, mga Ka-BULGARians, guess who’s back sa eksena?
Walang iba kundi ang ultimate heartthrob na si John Lloyd Cruz! Yes naman, nagbabalik si Papa JLC sa glam ng red carpet para sa opening night ng QCinema International Film Festival sa Gateway Mall 2 noong Friday.
Ang hanash? Hindi talaga kinaya ng mga fans ang pagka-excite – pinagkaguluhan siya nang bongga!
Bet naming sabihin, medyo hindi na sanay si JLC sa ganitong eksena. Feel na feel namin na parang hindi na niya gamay ang madumog ng crowd, kasi nga bihira na rin naman siyang makita sa showbiz events ngayon, ‘di ba?
Pero, girl, iba ang glow sa fezlak ni JLC! Halatang masaya si kuya, at mukhang na-miss din niya ang ingay ng showbiz. Aminado rin siya na na-miss niya ang mga press people – ang mga tsika, hanash, at kuwentuhang walang katapusan. Winner!
Isa pang pak na pak na eksena ay ang muling pagkikita ni JLC at ng kanyang ex-GF na si Shaina Magdayao.
Ang chika? Nagkabatian ang dalawa sa red-carpet! Pero dahil kani-kanyang grupo sila, hindi na rin sila nakapagtsikahan nang bonggang-bongga.
Sabagay, classy pa rin naman ang vibes nila – walang awkward, walang isyu, mukhang naka-move-on na sila. Throwback na lang sa indie film nilang Essential Truths of the Lake (ETOFL) under Direk Lav Diaz. Kaya sa mga umasa na magre-rekindle ang flame nila, kalmahan n'yo muna ang inyong mga kaluluwa!
At ang ating bet na pang-intriga, mga Mare, ay ang OOTD (outfit of the day) ni JLC sa event na ito – hindi na talaga “mainstream,” pang-indie ang peg!
May pagka-chill at understated na ang style niya, ‘yung tipong, “I’m an artist, charot!” Hindi na siya mukhang prim and proper leading man ng rom-com, kundi isang totoong artist na.
Gets n'yo ba ang vibes, mga Ateng? (Hmmm… 'di naman siya tulad nu'ng isang aktor na nag-palda dahil 'artist' nga raw ang emote? — JDN)
At heto pa! May indie film siya titled Money Slapper (MS) kasama si Jasmine Curtis-Smith na parte ng nasabing film festival. Mukhang ang focus ni Papa JLC ay ang mga artistic films lately – wala nang mga puchu-puchu, mga baks! Siya na talaga ang bagong hari ng indie!
Pero eto ang malaking tanong – magbabalik-mainstream nga ba si JLC? Kilig to the bones ang mga faney na makita siyang muli sa mga mainstream TV shows at romantic-comedy films na dati niyang ikinasikat.
Sana nga, Mare! Miss na miss na rin siya ng showbizlandia. Sana soon, maisipan niyang magbalik para sa mga fans na bitin na bitin sa kanyang presensiya.
Abangan natin ang susunod na kabanata – baka may pasabog pa si Papa JLC!
Comments