top of page
Search

Ex-housemate ang aktres, ex-StarStruck survivor ang aktor… KIM AT PAULO SA PBB SA GMA-7, TINUTULAN NG FANS

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 27, 2025





May listahan ang mga Kapamilya at Kapuso fans kung sino sa Star Magic at Sparkle stars ang gusto nilang mapasama sa Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother (PBB). Ang daming gusto nilang isama. Mas masaya kapag marami, basta ‘wag lang mag-away-away.


May nag-request na isama sina Kim Chiu at Paulo Avelino na agad ni-reject ng Kapamilya at Kapuso fans. Galing na raw sa PBB si Kim, ‘wag na siyang ibalik. Si Paulo naman ay galing sa StarStruck, ‘wag na raw siyang ipasok sa PBB.


Mga bagets at newbie ang gustong mapanood ng mga fans sa loob ng Bahay ni Kuya para magkaroon sila ng chance na makilala, na tama naman. Ang daming new talents ng Star Magic at Sparkle at kailangan lang i-push.


Nagulat lang kami na marami ang request for Rufa Mae Quinto na isama sa Celebrity Edition ng PBB. Gusto raw nilang mapanood ang aktres at kung paano ang buhay nito sa loob ng bahay ni Kuya. Maraming supporters ang nagmamahal sa kanya.


 

Hindi namin alam kung saan nanggagaling ang hatred ng ibang mga fans kay Barbie Forteza. Lahat ng ganap ng aktres, may nega comments sila at para sa kanila, walang ginawang tama si Barbie.


Pati pagtawa ni Barbie, pinupuna dahil fake raw. Pati pananamit, may puna rin ang mga bashers nito. At pati bahay na ipinatayo niya for her family, may nasabi rin sila. 

Lalo na sa breakup nila ni Jak Roberto, ang daming comments ng mga haters ng aktres. Pati acting nito, pinuna rin.


Malalaman din sa mga comments na kung may BarDa fans sina Barbie at David Licauco, mayroon ding hindi sold sa love team ng dalawa. Sana raw, ipareha sa iba si David, na ginawa na ng GMA-7 dahil ipinareha siya kay Sanya Lopez sa pelikulang

Samahan ng Mga Makasalanan (SNMM). Kaya lang, bina-bash din naman si Sanya.


Gusto yata ng mga fans na mag-solo si David, bagay na ginagawa na ni Barbie ngayon. Sabi nga nito, she’s into her ‘solo era’, pero may mga bashers pa rin. 


Mabuti na lang at masayahing tao si Barbie at dedma sa mga bashers, tuloy lang siya sa

trabaho at makaka-dalawang pelikula nga this year.


Sa isang event, may binanggit si Barbie na may gagawin silang movie ni David this year. Umaasa ang BarDa fans na Moments of Love: On Borrowed Time (MOL: OBT) ang tinukoy ng aktres. Remake ito ng movie nina Iza Calzado at Dingdong Dantes at bagay sa kanilang dalawa.


May binanggit pa si Barbie na may gagawing teleserye sa March, kaya sorry na lang sa mga bashers na puro galit ang puso kay Barbie. Tuluy-tuloy ang dating ng mga projects sa kanya at masaya ang buhay kahit single.


 

May pa-Meet and Greet ang Beautederm kina Jennylyn Mercado at Sam Milby today, January 29, 4 PM, sa headquarters ng Beautederm sa Angeles City, Pampanga. 


Parehong ambassadors ng mga produkto ni Rhea Tan ang dalawa at parang paunang promo na rin ito para sa pelikulang Everything About My Wife (EAMW) na pinagbibidahan nina Jennylyn and Sam kasama si Dennis Trillo.


Sa pagiging generous ni Ms. Rhea, siguradong magpapa-block screening din ito sa nasabing pelikula na showing simula sa February 26. 


Sa direction ni Real Florido, muling ipapakita ni Jennylyn ang husay niya sa rom-com at malalaman kung bakit Rom-Com Queen ang tawag sa kanya.


Kinukuwestiyon ang Rom-Com Queen na title ni Jennylyn dahil may iba raw na rom-com ang genre ng mga pelikulang ginagawa. Ibig sabihin, hindi lang kay Jennylyn ang title na ito, marami sila. Nagkalatagan na ng ebidensiya ang mga fans kung sino ang may karapatan sa nasabing title.


Sabi tuloy ng isang neutral fan, hindi ba puwedeng marami na ang Rom-Com Queens para wala nang away? Saka, deserve raw ni Jennylyn ang title na ito dahil nga may mga patunay.


Anyway, ang ikinaiba ng EAMW, ang asawang si Dennis Trillo ang kapareha ni Jennylyn. Reunion movie ito ng dalawa after so many years at hindi magdadrama rito ang aktor, magpapakilig at magpapa-cute siya.


Idagdag pa si Sam na marami na ring ginawang rom-com movies. May title man ito o wala, he delivers sa kung anumang role ang ibigay sa kanya.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page