top of page
Search
BULGAR

Ex-Gov. Chavit, medyo inis na kay caloy, P5M baka maging bula

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 25, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez

HARRY ROQUE LUMOBO ANG KAYAMANAN, BAKA MAKASUHAN NG PLUNDER KAPAG NALAMANG GALING ANG MGA ITO SA KATIWALIAN --Kinukuwestyon ng Kongreso ang biglang paglobo ng kayamanan ni former presidential spokesman Harry Roque, na umabot sa mahigit P120 million mula nang maging miyembro ito ng gabinete ni ex-P-Duterte.


Naku, kapag nalaman ng Kongreso na mula sa katiwalian nagmula ang kayamanan niya ay malamang bukod sa inihahandang kasong qualified trafficking in person, baka makasuhan din siya ng plunder, boom!


XXX


KUNG AYAW NI ROQUE MAKULONG, NEXT TIME HUWAG NA SIYANG MAGSINUNGALING -- Naghihimutok si Roque sa utos ng Kamara na ikulong siya ng 24-oras sa piitan ng House of Representatives matapos siyang i-contempt dahil sa pagsisinungaling.


Next time kasi huwag siyang magsisinungaling sa Kamara para hindi makulong, kasi kapag nagsinungaling uli siya ay baka isang buwan na siyang ipakulong ng mga congressmen, period!


XXX


PARANG NAIINIS  NA SI EX-GOV. CHAVIT SINGSON SA GINAGAWA NI CALOY YULO SA KANYANG PAMILYA -- Nang unang manawagan si ex-Ilocos Sur Gov. Chavit Singson kay Olympic gold medalist Carlos Yulo ay malumanay ang kanyang pananalita, na bibigyan niya ito ng P5 milyon makipag-ayos lang ito sa kanyang ina, ama at pamilya.


Pero sa ikalawang statement ng former governor ay parang medyo naiinis na ito sa golden boy sa pandededma sa kanyang panawagan, kasi ang sabi niya (Chavit) ay dapat daw nang mag-champion ay ipinakita ni Caloy sa publiko na role model siya, at ‘di iyong hindi maganda ang pagtrato nito sa kanyang pamilya, ang masaklap baka sa huli nito ang P5M ay mawala lang na parang bula, period!


XXX


MGA DAGDAG-DUSANG KAUTUSAN NG TRB -- Pinutakti ng batikos mula sa publiko ang Toll Regulatory Board (TRB) sa plano nitong patawan ng multa ang mga sasakyang walang RFID o kulang ang load.


Aba’y mababatikos talaga kasi mantakin n’yo, pulos pagdurusa na nga ang inaabot ng mga motorista sa panay pag-aprub ng TRB sa dagdag-bayarin sa mga expressway, tapos may ipapatupad na naman silang dagdag-dusa sa mga motorista, tsk! 




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page