ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 3, 2020
May post si Gerald Anderson sa kanyang Instagram account na nakasuot ng Halloween costume na “ghost.”
Ayon sa mga netizens, reaksiyon daw 'yun ng aktor sa last interview kay Bea Alonzo nina Angel Locsin at Neil Arce sa YouTube Channel ng mga ito, kung saan 'ghosting' ang naging topic.
Sabi kasi ni Bea, na-ghosting siya nang bigla na lang hindi magparamdam ang kanyang ex-BF, na hindi man tinukoy kung sino ay obyus namang si Gerald dahil naging maingay ang isyung ito nang mag-break ang dalawa.
Caption ni Gerald sa post niya: “Nothing to see here… just me. Chilling in front of my cabin. (Smiley emoji) Happy Halloween.”
Kaya ang reaksiyon ng mga netizens, si Gerald talaga ang certified "ghosting expert" dahil proud pa ito sa ginawa kay Bea.
“Proud 'ghoster.' Ito ang expert, hindi si Bea. Ano'ng pinagsasabi ni Bea na siya ang expert, eh, si Gerald 'yun. Ilang beses na itong nang-ghost.”
Tanong ng isang netizen, “'Pag "ghosting" ba, sino ang problema, 'yun bang iniwan o 'yung biglang naging multo?”
Sagot naman ng commenter, “'Yung naging multo, kaya nga ghosting. Gawain ni Gerald 'yan kaya siya ang may problema.
"Hindi naman talaga natututo si Gerald. Lagi niyang sinasabi na magiging better man siya tuwing nagbe-break sila ng karelasyon niya, pero paulit-ulit naman siyang nanggo-ghost. Ano'ng improvements niya bukod sa pagiging babaero? Hindi marunong tapusin ang isang relasyon nang maayos.”
“Proud ka pa talaga? HAIST!"
“Kadiri naman na 'it is something to be proud of.' Ang lesson lang du'n, magkaroon ka naman ng apog na makipaghiwalay. 'Yun lang naman 'yun. Masyado mo pa kasing pinagulo at pinahaba. Sabagay, publicity 'yan sa iyo. Bad nga lang.”
“For him to find humor in it proves that he shows no remorse at all. Douchebag on the highest level.”
“I used to be proud of this guy kasi kababayan ko siya. And the fact that he loves his mom and is proud of her. His affection towards his parents despite being a broken family is admirable. Kaya lang, parang hindi nagre-reflect 'yung mga ganu'ng actions sa mga nakakarelasyon niya. Oftentimes, luhaan 'yung babae pagkatapos ng relationship. 'Yung parang naagrabyado sila. Kaya as an observer, feeling ko, facade lang 'yung pa-goody image niya. I hope I'm wrong.”
May nagsasabi namang kaya raw mahirap mapatawad si Gerald ng mga ex niya ay dahil hindi sincere ang actor sa paghingi ng forgiveness.
“Kaya mahirap kang patawarin ng mga ex mo, alam nila, labas sa ilong kung mag-sorry ka sa kanila. Kailangan nilang hanapin ang forgiveness sa loob nila at hindi dahil sa 'yo.”
Comments