ni Julie Bonifacio @Winner | June 3, 2024
How true na may bagong boyfriend na si Bea Alonzo ngayon?
Ibinuko ng isang Marites sa socmed na may bagong boyfriend na ang aktres pagkatapos ng kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Dominic Roque.
Michael J. Needham ang ibinigay na pangalan ng bagong boyfriend daw ni Bea sa comment section ng post ng kanyang ka-love team na si John Lloyd Cruz recently.
Isang picture ni John Lloyd ang naka-post sa IG na nakatingin sa display window ng isang store na may pangalang “Feeling.”
Comment ng netizen, “Feeling ko pa rin, si Poy and Bash someday (heart emoji).”
Sa reply section, ipinost ng netizen ang name ng bagong boyfriend ni Bea.
“May boyfriend na si @beaalonzo si @michaeljneedham po.”
Tsinek namin ang Instagram account nitong si Michael pero naka-private.
Next step is to Google him at du’n lumitaw na ex-boyfriend pala ni Kylie Versoza itong si Michael. Naging sina Kylie at Michael noong 2016 at naghiwalay nu'ng 2018.
And that same year (2018), spotted naman si Kylie na nakikipag-date kay Jake Cuenca.
Nu’ng September 2019 ay umamin na sina Kylie at Jake sa kanilang relasyon.
So, sino nga ba ulit itong si Michael?
Chief Strategy Officer ng Mind You raw si Michael. He is responsible for studying market demand developments and designing high-impact strategies dito.
Michael is a Filipino-British graduate from The London School of Economics and Political Science. ‘Yan po ay ayon sa Google.
Well, true nga kaya ito? Only Bea can confirm that.
Comments